
Isa sa mga aabangan sa bigating fantaserye ng GMA na Encantadia Chronicles: Sang'gre ay ang Cebuana beauty at Sparkle actress na si Shuvee Etrata.
Masaya at sobrang nagpapasalamat si Shuvee sa pagkakataon na ibinigay sa kanya ng GMA na mapabilang sa cast ng Encantadia Chronicles: Sang'gre.
"Sobrang grateful, sobrang thankful noong na-receive po namin 'yung news. I burst into happiness and cry. I'm very happy po to be part of Sang'gre," sabi ng aktres sa GMANetwork.com.
Ayon pa sa aktres, malaking pressure para sa kanya ang mapasama sa Sang'gre, na pagbibidahan nina Bianca Umali, Kelvin Miranda, Faith Da Silva, Angel Guardian, kasama sina Glaiza de Castro at Rhian Ramos.
Sa ngayon puspusan ang paghahanda ni Shuvee para sa serye kung saan sumasalang na rin siya sa mga martial art training kasama ng iba pang mga cast.
Makakasama rin sa continuation ng iconic telefantasya na ito ng GMA sina Ricky Davao, Sherilyn Reyes, Jamie Wilson, Luis Hontiveros, Vince Maristela, Shuvee Etrata, Pamela Prinster, ang Gueco twins na sina Vito at Kiel.
Magbabalik din sa serye sina Sanya Lopez bilang Danaya, Kylie Padilla bilang Amihan, Gabbi Garcia bilang Alena, at Rocco Nacino bilang Aquil.
TINGNAN ANG HOTTEST PHOTOS NI SHUVEE ETRATA SA GALLERY NA ITO: