GMA Logo Sarah Geronimo at Rochelle Pangilinan
What's Hot

Sarah Geronimo at Rochelle Pangilinan, nag-'Spaghetti' showdown

By Jansen Ramos
Published March 14, 2024 6:41 PM PHT
Updated March 14, 2024 6:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

46,000 Catholics join first day of Misa de Gallo in Davao City
'Easiest scam in the world': Musicians sound alarm over AI impersonators
Kelvin Miranda sizzles on the cover of online lifestyle magazine

Article Inside Page


Showbiz News

Sarah Geronimo at Rochelle Pangilinan


Hindi pinalagpas ng "Popstar Royalty" na si Sarah Geronimo na maka-showdown ang dating leader ng SexBomb girls na si Rochelle Pangilinan sa sayawan.

Nagkita ang dalawang iniidolong performer sa bansa na sina Sarah Geronimo at Rochelle Pangilinan matapos manood ng concert ni Janet Jackson para sa 'Together Again' tour nito sa Araneta Coliseum kagabi, March 13

Hindi naman pinalagpas ng "Popstar Royalty" na maka-showdown ang dating leader ng SexBomb Girls sa sayawan. Sinayaw nila ang sikat na novelty song ng grupo na "The Spageti Song."

Nakisayaw rin sa kanila ang limang taong gulang na anak ni Rochelle na si Shiloh Jayne.

Ishinare naman ni Rochelle sa Instagram ang kanilang encounter kay Sarah, na pinusuan ng kanilang fans.

"Both Iconic, Sarah G and Rochelle P," komento ng isang netizen.

A post shared by Rochelle Pangilinan (@rochellepangilinan)

Kasama nina Sarah at Rochelle na nanood ng concert ang kani-kanilang asawa na sina Matteo Guidicelli at Arthur Solinap.

Samantala, spotted din sa Manila show ni Janet Jackson ang iba pang celebrities gaya nina Karylle at Iza Calzado na nakapagpakuha pa ng litraro kasama ang international icon, kasama ang entrepreneur na si Cristalle Belo, fashion stylist na si Pam Quinones, at screenwriter na si Garlic Garcia.

NARITO ANG IBA PANG ENCOUNTERS NG PINOY CELEBRITIES SA KANILANG INTERNATIONAL IDOLS.