
Mapapanood na ngayon sa Netflix ang high-rating murder mystery series ng GMA, ang Royal Blood, na pinagbidahan ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes. Ito ay mula sa direksyon ni Dominic Zapata at malikhaing pag-iisip nina RJ Nuevas at Ken De Leon.
Sa Royal Blood, binigyang buhay ni Dingdong ang kuwento ni Napoy, illegitimate child ng isang business tycoon na nagsisikap na maibigay ang pangangailangan ng kanyang anak bilang isang motorcycle rider.
Tuluyang nagbago ang buhay nito nang bigla na lamang lumitaw ang estranged father nitong si Gustavo (Tirso Cruz III) na gustong makipag-ayos sa kanya. May pag-aalinlangan man ay sumang-ayon itong tumira sa mayamang pamilya ng kanyang ama, kung saan nakilala niya ang half-siblings na sina Kristoff (Mikael Daez), Margaret (Rhian Ramos), at Beatrice (Lianne Valentin).
Mas naging kumplikado ang lahat para kay Napoy nang maging pangunahing suspek siya sa pagkamatay ng kanyang ama.
Kasama rin sa star-studded cast sina Megan Young (Diana), Dion Ignacio (Andrew), Rabiya Mateo (Tasha), Ces Quesada (Cleofe), Benjie Paras (Otep), Carmen Soriano (Camilla), Arthur Solinap (Emil), James Graham (Louie), Aidan Veneracion (Archie), Princess Aliyah (Anne), at Sienna Stevens (Lizzie).
Mapapanood ang Royal Blood sa Netflix simula March 15 sa Asia Pacific at Middle East.
KILALANIN ANG CAST NG ROYAL BLOOD SA GALLERY NA ITO: