
Muling nagkita ang dating nagkasama sa serye na sina Jon Lucas at Kathryn Bernardo sa tribute party kamakailan para sa legendary star builder na si Johnny Manahan, o mas kilala bilang Mr. M.
Kahit magkaiba na ng istasyon, napanatili nina Jon at Kathryn ang kanilang pagkakaibigan matapos gawin ang 2013 ABS-CBN series na Got To Believe kung saan gumanap ang ngayo'y Kapuso actor sa supporting role bilang Dominic. Si Kathryn ang female lead sa nasabing programa kung saan binigyang-buhay niya ang character ni Chichay.
Ishinare ni Jon sa Instagram ang kanilang reunion ni Kathryn sa tribute event na binansagang 'Night of 100 stars' para kay Mr. M. Ika niya, "Nice seeing you, CHICHAY 😌🫶🏻 #mrmnightof100stars."
Napanood si Jon sa hit GMA Prime series na Black Rider kung saan gumanap siyang kontrabida.
Samantala, nananatiling talent si Kathryn ng talent management arm ng ABS-CBN na Star Magic, na inilunsad ni Mr. M noong 1992.
Naging consultant ng Sparkle GMA Artist Center ang starmaker simula noong October 2021.