
Sunod-sunod ang gagawing proyekto ng versatile drama actor na si Rafael Rosell sa Kapuso Network ngayong taon.
Matatandaan noong Pebrero, inanunsyo si Rafael Rosell na kabilang sa cast ng upcoming GMA Afternoon Prime series na Forever Young. Ang bagong inspirational drama na ito ay pagbibidahan ng award-winning child actor na si Euwenn Mikaell.
Sa Forever Young, makikilala si Rafael bilang Albert. Ano kaya ang magiging kaugnayan ng karakter niya kay Rambo (Euwenn)?
Bukod sa Forever Young, mapapanood din si Rafael Rosell sa pinakabagong murder mystery drama series ng GMA na Widows' War, na pagbibidahan nina Bea Alonzo at Carla Abellana.
Ano kaya ang magiging koneksyon ng role niya sa buhay ng karakter ni Bea Alonzo sa serye? '
Abangan si Rafael sa Widows' War soon sa GMA Prime.