GMA Logo faith da silva
What's Hot

Faith da Silva, career muna bago love life

By Kristian Eric Javier
Published March 22, 2024 12:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Nadakip na menor de edad na suspek umano sa ‘rent-tangay,’ nakitang patay isang araw matapos siyang pakawalan
Man nabbed for blackmailing ex-girlfriend in Davao City
Japanese sushi chain pays $3.2 million for tuna at auction

Article Inside Page


Showbiz News

faith da silva


Masaya ngayon si Faith da Silva sa blessings na natatanggap niya sa kanyang showbiz career. Paano naman sa lovelife?

Masaya si Faith da Silva sa takbo ng kaniyang karera ngayon. Bukod sa kaniyang upcoming project na Encantadia Chronicles: Sang'gre, parte rin siya ng sampung bold, brave, and beautiful women ng Sparkle 10. Kaya naman, para sa aktres, ok lang na wala muna siyang love life.

“Happy ako. Oo na. Oo naman. Because I feel blessed sa ibang area ng buhay ko. Parang, kumbaga, yung love life, madali na yan eh,” sabi ni Faith sa Updated with Nelson Canlas podcast.

Nilinaw naman ng aktres na hindi madili, kundi kung gugustuhin ay makakahanap naman siya ng love life. Sadyang mas pinili lang niya ang mga opportunities na meron siya ngayon.

“Parang once in a lifetime experience 'to. Also, nabigay na sa iyo yung blessing, e, so dapat, kumbaga, sa lahat ng pamamaraan, ginagawa ko pa rin yung best ko para mapatunayan sa sarili ko at sa mga taong nagtitiwala sa akin na deserving ako of the position,” sabi niya.

Dagdag pa ni Faith ay naging malaking blessing din sa kaniya ang makita at makilala na sa wakas ang kaniyang ama na si Dennis da Silva.

“Oo, okay na. Okay na. Happy ako. Yes. Hindi naman na kailangan masyado din ng jowa,” sabi ng Sparkle talent.

BALIKAN ANG SIMULA NG 2024 NI FAITH SA THAILAND SA GALLERY NA ITO:

Aminado rin si Faith na hindi siya naghahanap ngayon ng love life. Ngunit nang tanungin kung anong katangian ng isang lalaki ang gusto niya, ang sagot ni Faith, ”Someone stable.”

Patuloy niya, “'Yung siguro, alam naman na ng mga tao, gusto ko mas mature na na ka-partner. And also, gusto ko yung smart. Kailangan may natutunan ako."

Dagdag pa ng aktres, sana ay magkaiba sila ng field of work para iba-iba rin ang kanilang pinag-uusapan.

Pero paano kaya makakaalis sa singlehood si Faith?

Para sa aktres, “Siguro kapag nakuha ko na yung success na tina-try ko talagang i-work on yung inner peace. Hindi lang kasi siya sa career, e. Kumbaga, kailangan na-make sure ko na yung mga traumas ko from my past relationships, naayos ko na by the time na meron akong na-meet na tao, na talagang mukhang okay na ako,” sabi niya.

Pakinggan ang buong interview ni Faith dito: