GMA Logo Jennylyn Mercado and Dennis Trillo
What's Hot

Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, magtatambal sa isang pelikula

By Kristian Eric Javier
Published March 26, 2024 1:26 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Israel bans mobile phones in primary schools
Food pack, tubig at iba pa, hatid ng GMAKF sa mga nasalanta ng Bagyong Tino sa Negros Island | 24 Oras
‘Wattwatch’ o Responsableng Pagamit sa Kuryente, Gilusad sa DOE-7 | Balitang Bisdak

Article Inside Page


Showbiz News

Jennylyn Mercado and Dennis Trillo


Isang bagong proyekto ang tutupad sa isang goal ng mag-asawang Jennylyn Mercado at Dennis Trillo.

Matutupad na ang dream project ng Kapuso couple na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo dahil sa wakas ay magtatambal na ang dalawa sa upcoming romance-comedy film na Everything About My Wife.

Ang Everything About My Wife ay Philippine adaptation ng Argentinian movie na Un Novio Para Mi Mujer (A Boyfriend for my Wife). Nagkaroon din ito ng Korean Adaptation noong 2012.

Sa interview ng dalawa kay Aubrey Carampel sa "Chika Minute" para sa 24 Oras, sinabi ni Dennis na masaya sila sa kanilang upcoming film, ngunit inaming nangangapa siya dahil hindi siya sanay na gumawa ng light projects.

“Siyempre sinusuportahan naman ako ng asawa ko, Queen of rom-com, kaya wala akong naging problema,” sabi niya.

Ngunit ayon kay Jennylyn, hindi naman umano kailangan ni Dennis ng tulong pagdating sa rom-com.

Dagdag pa ng aktres, “Natutuwa ako na nashi-share na niya sa mga tao, gamit 'yung TikTok, at least maraming natutuwa sa kaniya, nae-enjoy 'yung mga video niya, at 'yung creative side niya, nailalabas niya na dati ako lang 'yung nakakakita.

TINGNAN ANG INSPIRING HOLIDAY FAMILY PORTRAITS NINA JENNYLYN AT DENNIS SA GALLERY NA ITO:

Pagdating naman sa pelikula, sinabi ni Dennis na maraming makaka-relate sa kanilang upcoming project. “Masaya 'yung treatment niya, maganda 'yung pagka-adapt niya, with a Filipino twist.”

September 2023 nang unang ianunsyo ang comeback movie ni Jennylyn kasama ang mga aktor na sina Sam Milby at Gerald Anderson. Ito ang magiging reunion project ng aktres at ni Sam matapos ang pelikula nila noong 2015 na The Prenup.

Samantala, nagbigay rin ng konting update si Jennylyn tungkol sa motorcycle accident na kinasangkutan niya kamakailan. Ayon sa Ultimate Star ay na-out of balance siya umano dahil sa madulas na kalsada habang nagra-rides sila ni Dennis.

“Alam mo, 'yung ulo ko tumama sa floor talaga, pero safe pa rin ako dahil naka-helmet ako, naka-gears ako, complete 'yung gear ko, protected 'yung buong katawan ko so I'm very thankful na walang major na nangyari sa'kin,” ani ng aktres.

Ngunit sinabi rin ng aktres na maayos na ang kaniyang lagay ngayon.

Nabigla rin umano ang Kapuso Drama King sa nangyari kay Jennylyn, “Kitang-kita ko e, nasa harapan ko kasi siya, tinitingnan ko siya habang nangyayari 'yun so ayun, nakakabigla dahil first-time namin ma-aksidente sa kalsada talaga.”

Panoorin ang buong interview nila dito: