
Kung may aral mang nais na ibahagi si Lianne Valentin para sa mga nagsisimula pa lamang ngayon sa showbiz, ito ay ang matutunan nilang pahalagahan ang bawat oportunidad na darating sa kanila. Inside link:
Ayon sa Royal Blood actress, base sa kanyang mahigit 13 taong karanasan sa showbiz ay natutunan niyang "i-cherish every moment" dahil dumaan din siya sa panahon kung saan nawalan siya ng proyekto.
"For me, every growth, every ups and downs na maranasan is be grateful," aniya sa interview sa Updated with Nelson Canlas.
Para sa mga hindi nakakaalam, siyam na taong gulang lamang noon si Lianne nang unang mapanood sa TV sa children's show na Tropang Potchi, kung saan nakama niya ang Sang'gre actress na si Bianca Umali.
"Ako, ang tagal ko nang artista since I was a child. Dumaan ako sa puberty stage, dumaan sa time na wala akong show. Dumaan sa time na walang maibigay sa akin na role kasi nasa awkward stage. Hindi ko alam kung saan, hindi na alam kung saan ako ilalagay. Hindi ko rin alam kung saan ako parte," pagbabalik-tanaw ng aktres.
Pero, aniya, sa halip na pagtuunan ng pansin ang mga "what ifs" sa kanyang karera ay itinuon na lamang niya ang sarili sa pagpapalago ng kanyang acting skills.
"For example, sa akin 'yung acting, pinagtuunan ko talaga 'yun ng pansin, nag-workshops ako and all. So, hindi ko rin talaga na-feel 'yung hirap talaga dahil mas finocus ko 'yung sarili ko sa pag-improve ng kung ano na ako.
"So, ang masasabi ko lang sa kanila, imbes na to look at the bad side or like hindi magandang experiences, mag-focus na lang talaga sa growth and it's part of the journey. Darating at darating yung para sa 'yo talaga," dagdag niya.
Hindi rin daw naiwasan noon ni Lianne na maikumpara ang sarili sa mga young actors na nakasabayan niya.
Kuwento niya, "As in, alam mo yung biglang umangat talaga yung career nila, tapos ikaw parang napag-iwanan, napagsasabihan kasi ako ng gano'n, ganyan. Syempre parang may impact 'yun sa akin. Pero, I just realized... na yung para sa akin, para sa akin. Darating at darating 'yun talaga."
Ngayon, masasabi na talaga namang isa si Lianne sa mahuhusay at versatile na aktres ng Kapuso Network. Patunay rito ang mabibigat na role na nagampanan niya sa ilang serye tulad ng Apoy Sa Langit, Royal Blood, at Lovers & Liars.
Panoorin si Lianne sa Royal Blood, na mapapanood na ngayon sa Netflix Philippines, Asia Pacific, at Middle East.
Pakinggan ang buong interview ni Lianne Valentin sa Update with Nelson Canlas dito:
BALIKAN ANG ILANG BEHIND-THE-SCENES NI LIANNE VALENTIN SA ROYAL BLOOD DITO: