
Ipinaalam ng international singers na Us the Duo, o ang couple na sina Carissa at Michael Alvarado, na hiwalay na sila "for a while". Ngunit kahit hiwalay na, tuloy pa rin sila sa paggawa ng musika at nagbigay ng ilang professional at personal updates sa kanilang fans.
Sa isang post sa kanilang Facebook page, sinabi nilang maraming “exciting things” ang dapat abangan ng mga fan mula sa kanila ngayong 2024.
“Including: never-heard-before singles, remixes of past Us The Duo favorites, the Top Hits Medleys on streaming platforms (finally!!), and an acoustic Christmas release,” sulat nila sa post.
Ngunit kalakip rin nito ay ang update sa kanilang personal na buhay. “The two of us are no longer married, but we still have so much love for each other, and most importantly, for our daughter Xyla.”
“We've been living on our own separate journeys for quite some time now and although life looks a little bit different than before, we are both still creating and absolutely love being the best co-parents we can,” sabi nila.
Dagdag pa nina Carissa at Michael ay nakapag-transition na rin ang kanilang anak sa kanilang new normal at nananatiling masaya.
BALIKAN ANG CELEBRITY COUPLES NA NAGHIWALAY NOONG 2023 SA GALLERY NA ITO:
Sinabi rin ng duo na alam nila kung gaano ka-importante ang music nila sa mga fan, at ganun din sa kanila. Kaya naman nilinaw nila na hindi magbabago ang “feelings and the love” ng kanilang original songs.
“Our past music will always be our truth for that time in our lives and we hope you'll continue to cherish the music and your memories attached to it for eternity,” sabi nila.
Inudyukan rin nila na i-follow ng fans ang kani-kanilang personal social media accounts para sa updates.
Sa huli ay nagpasalamat sila sa lahat ng sumuporta at sumubaybay sa kanilang music, “Thank you for all your support over the past 12 years. We love you all so much. ”
Nagsimula ang duo noong 2012 na kumanta at mag-post ng song covers nila sa kanilang YouTube channel. Noong 2014, gumawa sila ng ingay sa internet nang umabot ng 8.5 million views sa loob lang ng two months ang kanilang favorite songs of 2014 medley.
Basahin ang buong post nila dito: