
Halos dalawang dekada nang nasa showbiz industry ang Sang'gre actress na si Bianca Umali.
Dalawang taon lamang noon si Bianca nang magsimula siyang gumawa ng mga commercial. Sa edad na pitong taon ay sumabak na siya sa mga audition at nag-extra sa iba't ibang show.
Noong 2009, opisyal niyang pinasok ang pag-aartista nang maging bahagi ng GMA Artist Center, ngayon ay Sparkle, sa edad na siyam na taong gulang.
Pero, pag-amin niya, sa halos dalawang dekada sa showbiz, ngayon niya mas naramdaman ang malaking pagbabago sa kanyang career.
"Honestly, itong taon lang na 'to, [2023], in my whole career. Because, I mean, 'Yes, I know that I am in the business. I have been in the business.' Pero, I really had low self-esteem before and I wasn't proud of myself," pagbabalik-tanaw ng aktres.
Pagpapatuloy ni Bianca, "Pero everyone else around me, sinasabi nila sa akin na, 'Ano ka ba? Hindi mo lang nakikita pero you're making it!'
"Pero, ako, 'yung Bianca before, I didn't have the confidence to even look at myself in the mirror and say congratulations. Pero this year, a lot has happened this year that made me grow mentally, spiritually, physically."
Photo by: bianxa (IG)
Ayon pa sa Sang'gre actress, sa lahat ng pangyayari sa buhay niya, ngayon siya pinaka naging "stable, solid" at may "peace of mind."
"A lot has happened na ngayon masasabi ko that this is the most stable Bianca has ever been. This is the most solid she has ever been. And this stage of my life, ito 'yung stage na parang pinaka may peace of mind ako sa lahat ng paces ng buhay ko.
"But, of course, I value the paces na may pinagdadaanan ako because I wouldn't be how I am now if it weren't for those. Pero I can say na itong moment na 'to 'yung parang... also given the opportunity to be part of Sang'gre, 'yung gravity of that, it made me feel na grabe kilala pala nila ako, nakikita pala nila 'yung trabaho ko, and people value me.
"I don't see it as something na ipagyayabang ko, it's something that grounds me all the more na parang... for people to look up to you and to value what you say, what you do, it means so much because it only shows na I am able to fulfill my purpose in this life, kahit papaano."
Pero, ani Bianca, marami man siyang hirap na pinagdaanan sa kanyang buhay at karera, ni minsan ay hindi niya naisipang sumuko.
"Having very low self-esteem and going through a lot of bad times, marami rin naman akong mga pagkakamali, marami rin akong pinagdaanan na struggles, I never thought of giving up. I never said na parang, 'Ayoko na, itigil ko na 'to.' Walang ganu'n.
"But, hindi ko itatago na there are times na I just wanted to hide, na parang pause muna. But, I never said na ayoko na. It was always 'this too shall pass.' Moving forward."
Sa ngayon, abala si Bianca sa paghahanda para sa pinaka inaabangang Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Sa continuation ng iconic telefantasya na ito ng GMA, makikilala si Bianca bilang Terra, ang bagong tagapangalaga ng Brilyante ng Lupa.
Makakasama niya rin sa serye ang tatlo pang bagong mga Sang'gre na sina Kelvin Miranda, Faith Da Silva, at Angel Guardian.
Abangan ang Encantadia Chronicles: Sang'gre, soon sa GMA Prime.
TINGNAN ANG PAGSASAMA-SAMA NG BAGONG HENERASYON NG MGA SANG'GRE NA SINA BIANCA, KELVIN, FAITH, ANGEL SA GALLERY NA ITO: