GMA Logo Kristoffer Martin
source: kristoffermartin_/IG
What's Hot

Kristoffer Martin, pinilit lang ng kaniyang mommy na sumali sa singing contest

By Kristian Eric Javier
Published April 4, 2024 4:12 PM PHT
Updated April 4, 2024 6:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Kristoffer Martin


Alamin kung paano nagsimula ang karera ni Kristoffer Martin sa showbiz dito.

Unang nakilala ang Makiling actor na si Kristoffer Martin bilang isang singer. Ngunit lingid sa kaalaman ng marami ay hindi niya pinangarap noon na makapasok sa mundo ng showbiz.

Sa Surprise Guest with Pia Arcangel podcast, ikinuwento ni Kristoffer kung paano siya pinilit lang noon ng kaniyang mommy na mag-audition para sa isang singing contest.

Sabi ng singer-actor, nasiraan lang sila ng sasakyan noon sa tapat ng isang mall sa Pampanga kung saan may nagaganap na audition.

Pag-alala ng aktor, “Naglalaro lang po kami ng kapatid ko sa taas tapos sabi ng mommy ko, 'Mag-audition ka dito.' 'Ha, bakit ako mag-a-audition? Ano ba 'yan?' 'Singing contest.' 'Hindi naman ako marunong kumanta.'”

Dagdag pa ni Kristoffer ay pintik siya ng mommy niya at sinabing hindi bibigyan ng pera panglaro kaya siya napilitang sumali.

Ayon kay Kristoffer, tatlong levels ang audition. Una ay pagkanta ng acapella, pangalawa ay pagkanta sa harap ng judges, at pangatlo ay pagkanta ng may piyesa. Sabi pa niya ay hindi niya alam kung paano niya naitawid ang third level ng audition dahil wala naman siyang materyal.

“So naghanap pa po kami ng materyal namin dun sa mall. Kung ano lang po maisipan namin. Ang kinanata ko po nu'n, 'Hawak-Kamay' ni Yeng Constantino,” sabi niya.

BALIKAN ANG MGA CELEBRITIES NGAYON NA NAKILALA SA MGA KAPUSO SINGING CONTEST NOON SA GALLERY NA ITO:

Sabi ni Kristoffer, hindi pa nila alam noong una kung pasok ba siya sa contest at nalaman na lang ito nang tawagin ang numero niya bago sila umalis. Ayon pa sa aktor, pinakanagulat sa kanila ay ang dad niya na nakapasok siya dahil wala naman sa kanila umano ang kumakanta.

“Wala talaga sa [pamilya] namin ang may kapal ng mukha para kumanta sa stage,” aniya.

Dahil din dito, hindi malinaw sa kaniya kung bakit siya pinasabak ng kaniyang mommy sa sa auditions, lalo na at sobrang mahiyain niya noon.

Pagpapatuloy ni Kristoffer, naka-abot siya sa parte ng contest na lumabas na siya sa TV, ngunit natanggal din siya sa ikatlong linggo. Kuwento pa niya, tinanong niya ang production kung totoong maganda ang boses niya noon, pero ang sagot sa kaniya, “Alam mo, hindi masyado, pero may itsura ka kasi, kaya kinuha ka.”

“Totoo po ha, kasi after po nu'n, hindi na po ako binigyan ng spot ng singing. Nag-acting po ako agad. Hindi ko alam kung mao-offend ba ako pero sige, andito na'ko e,” sabi niya.

Pakinggan ang buong interview ni Kristoffer dito: