GMA Logo Jessy Mendiola, Vilma Santos
Source: Vilma Santos (Facebook)
What's Hot

Jessy Mendiola, pangarap na makatrabaho ang biyenang si Vilma Santos

By Jimboy Napoles
Published April 7, 2024 3:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

State of the Nation Express: December 16, 2025 [HD]
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

Jessy Mendiola, Vilma Santos


“Sabi ko nga kay Momsky, 'Kahit dadaan lang po ako sa likod ninyo, gagawin ko po talaga.'” - Jessy Mendiola

Matagal-tagal na ring hindi napapanood sa isang teleserye at pelikula ang aktres at ngayo'y celebrity mom na si Jessy Mendiola.

Noong Biyernes, April 5, nagkaroon muli ng TV appearance si Jessy nang bumisita siya sa Fast Talk with Boy Abunda sa GMA.

Dito ay tinanong ng batikang TV host ang aktres kung kailan nga ba siya babalik sa pag-arte.

“What will make you come back? Papel, serye, pelikula, tamang role?” tanong ni Boy Abunda kay Jessy.

“Any, actually, Tito Boy,” sagot ng aktres.

“It will be exciting to do a movie with Ate V,” sabi naman ni Boy.

“'Yun nga e. Talagang dream ko 'yun,” pagsang-ayon ni Jessy.

Dagdag pa niya, “Sabi ko nga kay Momsky, 'Momsky, kahit dadaan lang po ako sa likod ninyo, gagawin ko po talaga. Kahit pabalik-balik lang po ako, gagawin ko talaga.”

Ayon kay Jessy, noon pa man ay pangarap niya na ang makatrabaho ang kanyang biyenan at “Star for All Seasons” na si Vilma Santos, kahit hindi pa sila noon ni Luis Manzano.

Aniya, “Kasi dream ko rin talaga siyang makatrabaho, kahit noon pa, kahit noong hindi pa kami ni Luis, actually. So sabi ko, sana may tamang opportunity din na mangyari 'yun.”

Samantala, nito lamang February 2024, muling nagpakasal sina Jessy at Luis sa isang beach wedding sa Palawan.

BALIKAN ANG MGA LARAWAN SA KANILANG SECOND WEDDING DITO: