GMA Logo Rochelle Pangilinan
Source: rochellepangilinan
What's Hot

Rochelle Pangilinan sa grupong SexBomb: 'Wala kaming closure hanggang ngayon'

By Jimboy Napoles
Published April 8, 2024 10:08 AM PHT
Updated April 8, 2024 10:38 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Zelenskyy says Russia using Belarus territory to circumvent Ukrainian defenses
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Rochelle Pangilinan


Paano nga ba nagtapos noon ang kasikatan ng SexBomb girls?

“Wala kaming closure hanggang ngayon.”

Ito ang naging pahayag ni Rochelle Pangilinan tungkol sa kinahitnan ng iconic all-female dance group na SexBomb sa noontime show na Eat Bulaga noon.

Sa recent episode ng Toni Talks, ang online talk show ng dati ring host ng nabanggit na noontime show na si Toni Gonzaga, nagpaunlak ng interview si Rochelle.

Ayon kay Toni, pareho sila ni Rochelle na 20 years nang nasa industriya ng showbiz at pareho pa silang nanggaling sa iisang noontime show.

Sa kanilang kuwentuhan, inalala nila ang naging kasikatan ng SexBomb at kung paano ito unti-unting nabuwag.

“Pa'no 'yung naghiwa-hiwalay na ang SexBomb?” tanong ni Toni kay Rochelle.

Sagot naman ng Kapuso actress, “Wala kaming closure hanggang ngayon. Bigla na lang kaming parang nawala…ang SexBomb.”

Kuwento ni Rochelle, nagkaroon noon ng hindi pagkakaunawaan ang management ng show at ang dati nilang manager at choreographer na si Joy Cancio.

Aniya, “May nangyari sa amin na… parang nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan ang mga boss natin sa Eat Bulaga at saka si Ate Joy [Cancio]. Nagte-taping kami sa Daisy Siete tapos binabalitaan ako kung ano na ang nangyayari sa usapan tapos umabot pa daw sa nagkababaan pa sila ng telepono.”

Ayon kay Rochelle, naka-park na sila noon sa labas ng studio ng nasabing programa nang biglang tumawag sa kanila si Joy na umiiyak.

“Umiiyak 'yung nanay mo 'di ba? Siyempre hindi mo ba pupuntahan? So ngayon, umalis kami ng Broadway, hindi kami pumasok,” ani Rochelle.

Unti-unti raw silang nagkahiwa-hiwalay nang unti-unting nag-recruit ng bagong dancers ang programa.

Aniya, “Nung hindi na kami pumasok sa Eat Bulaga, nagpa-audition sila ng mga dancer. Nagpa-contest, tapos this time, magaganda, bata. Siyempre ang sakit-sakit no'n sa amin.

“Parang [sabi namin], 'Hindi namin kasalanan, kayo-kayo nag-away e. 'Parang pinalitan n'yo naman kami.' Ganun 'yung feeling namin kasi siyempre bata e, at saka lahat ng SexBomb competitive e.”

Mahirap man tanggapin, nasanay na lamang daw noon si Rochelle na mag-isa na lamang siyang sumasayaw sa SexBomb kasama ang mga bagong miyembro nito noon.

“Ang lungkot no'ng una pero hanggang sa nasanay ako nang nasanay na, 'Ah, okay ako na lang talaga.'” anang actress-dancer.

Noong December 2023, nagkaroon naman ng Christmas party ang ilang miyembro ng orig SexBomb girls kasama si Rochelle at sina Sunshine Garcia, Aifha Medina, Jopay Paguia-Zamora, CheChe Tolentino, at Mia Pangyarihan.

Anim na taon nang kasal si Rochelle sa aktor na si Arthur Solinap at mayroon na silang anak na babae na si Shiloh.

RELATED GALLERY: Ilang orig SexBomb Girls, mommies na ngayon!