What's Hot

C-drama na 'Rewriting Destiny,' abangan sa GMA

By Kristine Kang
Published April 8, 2024 1:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Driver dies after truck falls into ravine in Sarangani
Italian resto opens in Molito; promises 'refined but unpretentious' food
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

Rewriting Destiny


Mapapanood ngayong Abril sa GMA ang Chinese fantaseries na 'Rewriting Destiny.'

Ano ang gagawin mo kapag binigyan ka ng isa pang pagkakataon para baguhin ang iyong tadhana?

Isa na namang fantasy at kaabang-abang na C-drama series ang handog ng GMA Fantaseries ngayong Abril dahil mapapanood na sa Kapuso Network ang Chinese fantasy series na Rewriting Destiny.

Ito'y iikot sa kuwento ng isang side character na si Yu Bing (Dong Si Yi) na nasa loob ng isang comics story. Dahil ang nakatadhana sa kaniya ay isang tragic ending, pipilitin ni Yu Bing na baguhin ang kaniyang kapalaran at maging bida sa kaniyang sariling istorya.

Bukod sa kakaiba nitong kuwento, dapat ding abangan ang mga talented Chinese stars sa naturang serye.

Kabilang sa cast nito ay sina Dong Si Yi, Li Ge Yang, Smile Hu, Xu Bing Chao,Liu Yao Yuan, Qiyu Lin, at marami pang iba.

Mabago kaya ni Yu Bing ang kaniyang istorya upang maging isang happy ending?

Sabay-sabay nating abangan ang kapana-panabik fantasy series na Rewriting Destiny ngayong April 15 sa GMA.