#Palaban: Controversial posts ng mga Barretto

Hindi lang sa kagandahan kilala ang Barretto women kundi kilala rin sila bilang mga matatapang at palaban pagdating sa mga isyung kinasasangkutan nila.
Marami man silang mga kontrobersiya sa loob at labas ng showbiz industry, laging ipinapakita nina Gretchen, Marjorie, at Claudine na hindi sila umuurong pagdating sa mga gusto nilang iparating sa kanilang mga kaaway at bashers.
Minsan pa nga sila-sila rin ang naghahamunan tuwing masangkot sila sa mga isyu na umiikot sa kanilang mga pamilya.
Kung tingin n'yo ay natatapos ito sa tatlong magkakapatid ay nagkakamali kayo.
Palaban din ang mga anak ni Marjorie na sina Julia at Dani Barretto tuwing nasasama ang kanilang mga pangalan sa mga isyu patungkol sa kanilang lovelife, career, o sa kani-kanilang bashers.
Tingnan ang mga palaban moments ng Barretto clan sa social media sa gallery na ito:















