
Inamin ng aktres na bago pa mauso ang salitang "ghosting" ay naranasan na raw niya ito.
Ayon pa sa aktres, ilang beses itong nangyari sa kaniya.
Itinanong ng kaibigan ni aktres sa isang programa, "Sa lahat ng tao na mga umibig sa'yo at inibig mo... Sino ang pinaka hindi mo gusto?"
Nag-alangan ang aktres sa pagsagot ng tanong at napagkasunduan ng hosts at kanyang kaibigan na unang letra sa last name ng kanyang ex na lamang ang kanyang ibigay.
Sagot ni aktres, "Kasi 'yung question hindi pinakagusto... Siguro hindi pinakagustong ending. Actually lahat sila parang pare-parehas ng pattern."
Dugtong ni aktres, "Ito ang hindi pinaka-smooth ang ending. Pero pare-parehas sila na talagang walang closure."
Tanong ng host, "Ano'ng ibig sabihin ng walang closure?"
Sinagot ni aktres na ang mga nakakarelasyon ay bigla na lang hindi nagpaparamdam sa kanya.
"Madalas po silang hindi nagpaparamdam. Parang wala na.
Paliwanag pa ni aktres, "Hindi pa uso 'yung word na ghosting, nangyari na sa akin 'yun. So noong naimbento 'yung word na ghosting, 'ah, 'yun pala 'yung nangyari sa akin!' Ngayon, alam ko na!"
Ikinuwento pa ni aktres na tuwing mangyayari 'yun sa kanya ay hindi siya naghahabol.
"Hindi ko na sila hinahabol. Parang ah okay, move on na."
Sinagot ng magkaibigan na nagsisimula sa letrang A ang last name ng ex ni aktres na hindi pinakagusto.
Reaksyon ni aktres nang magsabi sila nang parehong sagot. "Ah. 'Yun talaga yung nasa utak ko tapos nasa isip ko, 'babaguhin ko ba?'"
Alamin kung sino si aktres at ang kanyang kuwento dito: