GMA Logo Anjo Pertierra in Surprise Guest with Pia Arcangel podcast
What's Hot

Anjo Pertierra sa kaniyang acting career: 'Hindi ko inaasahan'

By Kristian Eric Javier
Published April 11, 2024 7:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Kapuso, Sparkle stars set to bring romance, laughs, chills at MMFF starting Dec. 25
Bacolod hospital detects infection, reduces bed capacity
Charlotte Austin celebrates birthday with fans and loved ones

Article Inside Page


Showbiz News

Anjo Pertierra in Surprise Guest with Pia Arcangel podcast


Paano nga ba nagsimula si Anjo Pertierra sa larangan ng pag-arte?

Bago pa naging isa sa mga host ng early morning program ng GMA na Unang Hirit, dati nang sumabak sa acting si Anjo Pertierra. Ngunit ayon sa kaniya, hindi niya inaasahan ang pagpasok niya sa showbiz, lalo na ang maging isang aktor.

Sa Surprise Guest with Pia Arcangel podcast, ikinuwento ni Anjo na noong unang nag-sign siya sa kaniyang agency, ang sabi niya ay hanggang ramp modelling lang daw ang kaya niyang gawin. Ayon sa kaniya, sobrang mahiyain talaga siya at camera shy, kaya ayaw niyang lumabas sa TV.

“And the one day my manager called me, 'Anjo punta ka dito bukas sa location na ito, umarte ka.' So parang ako, 'What?' Wala akong workshops or anything," sabi niya.

Sabi ni Anjo, ang ginawa niya ay para sa isang series sa Netflix kung saan naka-eksena niya Jerome Ponce. Ayon pa sa kaniya ay pagdating niya sa site, hindi niya alam na sa mismong direktor pa pala siya nagtanong kung saan pwede mag-park.

Paliwanag niya, “Kasi wala akong kilala kahit sino. So after niya na sinabi sa akin na 'Uy, ako 'yung director dito,' ganito ganito, so nakakahiya.”

Nang magsimula umano ang taping, ayon kay Anjo, ay nag-freeze siya habang ka-eksena si Jerome, “Kasi parang kung paano ko kinabisado ang lines, ganun ko siya binitawan, para akong nagbabasa in my head.”

Ayon pa sa kaniya ay sobrang hindi niya alam ang gagawin sa role niya dahil wala rin naman siyang kahit anong acting workshops. Nang matapos ang eksena, kinuwento ni Anjo na napagalitan pa siya noon ng direktor.

RELATED CONTENT: ALAMIN KUNG PAPAANO NAGING BIHASA SI ANJO PERTIERRA AT MARTIN JAVIER SA SPORTSCASTING SA GALLERY NA ITO:


“Sabi sa akin, 'Wag niyo na papabalikin 'yan ha, last na niya 'yan,' sabi ng director sa akin. Sobrang parang 'yung ego ko nu'n lahat gumuho sa akin kasi nga first time ko 'yun e tapos parang naluluha na ako while throwing my lines,” sabi niya.

Pero ayon kay Anjo, hindi naman doon natapos ang karera niya sa showbiz dahil ang parehong direktor umano ang nag-cast sa kaniya sa iba't-ibang proyekto pagkatapos nu'n.

“Kinausap niya rin ako right after sabi niya, 'Alam mo Anjo, nakitaan kita ng potensyal e, tinitest lang kita that time,'” pag-alala ng acctor-TV host.

Sinabi rin niyang nakabalik pa siya para tapusin ang serye at simula noon ay umattend na siya ng mga workshop.

“Lahat, lahat lahat inattendan ko na po para aralin yung craft ng art ng pag arte. Tapos ayun na,” sabi niya.

Sabi pa ni Anjo ay kailan lang ay nagkita pa sila ng direktor at napagkuwentuhan ang insidenteng iyon na ngayon ay tinatawanan na lang nila.

“Ta's ayun nakapag-Mano Po ako, Regal Studio Presents, ta's various TV shows for different TV stations. Ayun, na tuluy-tuloy na po siya and then this happened,” sabi niya.

“Kahit ako nagulat at hindi ko inaasahan."

Pakinggan ang buong interview ni Anjo Pertierra dito: