What's Hot

Ruru Madrid, nagulat sa unang eksena nila ni Angeli Khang

By Kristine Kang
Published April 17, 2024 10:40 AM PHT
Updated April 17, 2024 11:44 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Alex Eala cheered on by Gauff, Mboko after SEA Games run
Girl rescued, hostage-taker killed in Marawi City

Article Inside Page


Showbiz News

Ruru Madrid,Angeli Khang


Maging si Angeli Kang ay taken by surprise din sa unang eksena nila ni Ruru Madrid.

Kamakailan lang, ni-reveal ng GMA prime hit series na Black Rider ang kaabang-abang nitong bagong yugto sa isang teaser video.

Maliban sa mga all-out action scenes, dapat abangan ng mga viewers ang mga bagong karakter na ipakikilala sa palabas.

Kabilang sa bagong cast ang Vivamax A-lister star na si Angeli Khang, na gaganap bilang si Nimfa, ang bagong love interest ni Elias. Inaasahang may intimate scenes sila ni Ruru sa mga susunod na episodes sa naturang programa.

Sa kanilang panayam kasama si Nelson Canlas para sa 24 Oras, ikinuwento ng dalawang stars ang kanilang unang shoot experience magkasama.

Dito nagkaalaman na diretsong kissing scene ang kanilang unang eksena. Kwento rin nila, parehas silang nabigla tungkol dito.

"Awkward kasi syempre first-time namin mag-meet today," sabi ni Ruru.

Dagdag rin ng sexy star, " First scene namin ni Ruru, kiss agad. Sabi nga namin, 'Wala man lang bonding, ganyan, ganyan.' Ito, ito bonding namin, kiss na. Ito yung bonding natin, kiss kaagad.' "

Nilinaw ni Angeli na ang lahat ng ito ay "trabaho lang" at mananatiling propesyonal sila sa mga ganitong klaseng eksena.

Para naman sa primetime action hero na si Ruru, nagulat talaga siya sa kanilang unang eksena dahil hindi niya kaagad nalaman ito.

Kwento pa ni Ruru, walang signal sa kanilang set sa Tanay, Rizal. Kaya late niya na-check ang mga eksenang gagawin nila sa araw na iyon.

"Pagdating ko sa set walang signal dahil nasa ano kami, nasa Tanay. Pag-check ko [sa schedule], 'Totoo nga! May kissing scene nga, at kanino?' sabi ko. Kay miss Angeli Khang. So, medyo nagulat ako na meron agad ganung eksena."

Biro rin ni Ruru tungkol sa kaniyang real-life partner na si Bianca Umali, "Syempre alam naman natin kailangan ipagpaalam 'yung mga ganyang bagay. Eh dahil wala pong signal, hindi ko po nasabi kaagad."

Nang tanungin ang aktor kung ano ang reaksyon ni Bianca, sagot niya, "Kami kasi, usapan namin pagdating sa mga ganyang bagay, wala naman kaming pigilan. Hindi namin pinapakailaman mga trabaho ng isa't isa. Kumbaga sa amin dalawa ni Bianca, dapat lang maging transparent kami pag may ganyang eksena."

KILALANIN ANG IBA PANG VIVAMAX STARS NA BAHAGI NG BLACK RIDER DITO:

Maliban sa mga kilig moments nina Ruru at Angeli, marami pang dapat abangan ang viewers sa prime series.

Kasama ni Angeli ang mga iba pang bagong cast na sina Lianne Valentin, Luke Conde, BJ Forbes, Epy Quizon, Madam Inutz, William Lorenzo, Yul Servo, at Matet De Leon.

Magkakaroon din ng crossover sina Black Rider at Doc Analyn (Jillian Ward) ng GMA Afternoon prime drama na, Abot-Kamay na Pangarap.

Mapapanood ang Black Rider, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.

May simulcast ito sa digital channel na Pinoy Hits at may delayed telecast naman sa GTV, 9:40 p.m.