GMA Logo Kapuso Mo Jessica Soho Tarsier
Source: kapusomojessicasoho/IG
What's Hot

Vloggers na nanghuli ng tarsier sa South Cotabato, sinampahan na ng kaso

By Kristian Eric Javier
Published April 17, 2024 1:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ysabel Ortega, nagtampo nang mag-solo trip si Miguel Tanfelix sa South America?
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve
A cake for pet dogs? Chef RV shares new recipe

Article Inside Page


Showbiz News

Kapuso Mo Jessica Soho Tarsier


Munting paalala ng DENR: Kung sakaling makakita sila ng wild life, surrender agad sa DENR.

Umani ng negatibong reaksyon ang video ng dalawang vlogger na humuli at nag-uwi ng mga tarsier sa Polomolok, South Cotabato. Dahil sa kanilang ginawa, napagdesisyunan ng Department of Environment and Natural Resources o DENR na sampahan sila ng kaso.

Nitong Linggo, nakapanayam ng Kapuso Mo, Jessica Soho ang isa sa mga vloggers na si Ryan. Ayon sa kaniya, nakita nila ng pinsan niyang si Sammy ang dalawang tarsier sa lupain ng kanilang kamag-anak na kanilang inaalagaan.

Mahilig din umano kunan ni Ryan ng video ang buhay niya sa probinsya kaya nang makita nila ang dalawang tarsier sa puno, ay kinunan niya ito ng video.

“Sabi ko, 'Wait lang, kunan natin ng video.' Nasiyahan na kami sa pag-video ko. Sabi ko, 'Hawakan mo 'yang isa, akin na itong isa,'” sabi niya.

Ayon pa kay Ryan ay tahimik lang ang dalawang tarsier nang hawakan nila ang mga ito. Ngunit sinabi ni Sammy sa video ay nakagat siya umano ng tarsier na hawak niya.

“Hindi naman po dumugo. Sabi ko, 'Wag mo higpitan, dahan-dahan lang,'” sabi niya.

Inuwi rin nila Ryan at Sammy ang dalawang tarsier ngunit matapos pakainin, ay pinakawalan rin nila ang mga ito.

Sinabi ni Ryan, gusto lang nila i-rescue ang dalawang tarsier dahil wala na umano masyadong puno at mapagkukunan ng pagkain ang mga ito sa lugar kung saan sila natagpuan.

“Gusto ko lang po kasi sila i-rescue kasi wala po silang na-anuhan du'n na area talaga kasi dinemolish na namin 'yung area du'n. Wala talaga akong intensyon manakit,” sabi niya.

BALIKAN ANG CUTE ENCOUNTERS NG CELEBRITY SA MGA ANIMALS SA GALLERY NA ITO:

Ayon kay Sig Bejar ng University of the Philippines Diliman Institute of Biology, isa sa mga requirement ng tarsiers para mabuhay ay isang malaking area kung saan sila maaaring tumalun-talon at maghanap ng makakain.

Sinabi rin niya na hindi natural para sa tarsiers ang ma-confine sa isang maliit na space na maaaring magdulot sa kanila ng stress.

“Meron tayong tinatawag na zoochosis or parang psychosis na nade-develop ng mga hayop 'pag nasa captive setting sila. Itong ganitong klaseng condition, fino-force 'yung tarsiers natin sa mga ayaw nila, basically, at du'n sila nase-stress,” sabi niya.

Nakarating rin ang pangyayari sa Municipal Environment and Natural Resources Office o MENRO na nagpunta rin doon para mag-imbestiga, bago in-endorse sa DENR.

Noong nakaraang linggo ay naglabas ang DENR ng statement kung saan sinasabi nilang tinaggap na nila ang paghingi ni Ryan ng tawad, ngunit iniimbestigahan pa nila ang pangyayari.

Ngunit nitong Linggo, sinabi na ni DENR SOCCSKARGEN executive director Atty. Felix Alicer na sasampahan na nila ng kaso sina Ryan at Sammy. Ito ay para sa paglabag sa section 27 ng RA 9147, Wildlife Resources Conservation and Protection Act dahil may nakita silang maltreatment na ginawa sa mga tarsier.

“Ang penalty, it's a range between one month and one day, to six months (na pagkakakulong), plus a fine of PhP5,000 - PhP50,000,” sabi niya.

Samantala, ayon kay Ryan, bingyan siya ng pagkakataon ng DENR na magplaiwanag sa mga nagawa nila sa video. Ngunit ayon sa vlogger, tanggap naman na niyang mapaparusahan siya.

“Tanggapin ko na lang kung mapaparusahan talaga ako, kung hindi talaga makaya na ma-settle talaga 'yun,” sabi niya.

Muli rin siyang humingi ng tawad sa DENR para sa kanilang nagawa, at nangakong hindi na gagalawin ang kahit anong makitang wild life.

“Siguro 'pag may nakita akong mga wild animals dito, hindi ko na gagalawin siguro, hayaan ko na sila. Kailangan maging responsable na ako sa pagba-vlog,” sabi niya.

Paalala naman ni Atty. Felix, “Kung sakaling makakita sila ng wild life, surrender agad sa DENR.”

Panoorin ang buong segment dito: