GMA Logo Sofia Pablo and Allen Ansay
Source: sparklegmaartistcenter (Instagram)
What's Hot

Sofia Pablo had a sweet dancing moment with Allen Ansay on her debut

By Jimboy Napoles
Published April 21, 2024 4:06 PM PHT
Updated April 21, 2024 7:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma slightly accelerates, 27 areas under Signal No. 1
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU 

Article Inside Page


Showbiz News

Sofia Pablo and Allen Ansay


Allen Ansay to Sofia Pablo: “Deserve mong maging masaya…”

Isang sweet dancing moment ang pinagsaluhan ng Sparkle love team na sina Sofia Pablo at Allen Ansay sa 18th birthday celebration ng aktres nitong Sabado ng gabi, April 20, sa Raffles Makati.

Parte ng programa ng Hawaiian-themed debut ni Sofia ang 18 TikTok dances kung saan sasayaw si Sofia kasama ang 18 mahahalagang lalaki sa kanyang buhay. Una sa listahan ng kasayaw ni Sofia ay ang kanyang onscreen partner na si Allen.

A post shared by Sparkle GMA Artist Center (@sparklegmaartistcenter)

Para sa kanilang TikTok dance, sinayaw nina Sofia at Allen ang remix version ng kantang “Easy On Me” ni Adele. Pagkatapos nito, isang slow dance naman ang ginawa ng dalawa na kilala rin bilang Team Jolly gamit ang awiting “Steal The Show” ni Lauv.

Bago pa man ang mismong araw ng debut ni Sofia, nagkaroon na siya ng maagang birthday celebration sa All-Out Sundays kung saan 18 Kapuso actors ang nagbigay sa kanya ng 18 roses.

Dito ay nagbigay ng birthday wish si Allen para kay Sofia. Aniya, “Tulad ng lagi kong sinasabi sa'yo [Sofia Pablo], ang wish ko lang talaga is maging happy ka. Many times ko nang sinabi sa'yo, deserve mong maging masaya. At katulad ng sinabi ko kanina, kahit anong mangyari nandito lang ako lagi para sa'yo.”

Samantala, kamaakailan lang ay inanunsyo na muling magtatambal sina Sofia at Allen para sa bagong Kapuso series na Prinsesa ng City Jail.

Bago ito, nagtambal na rin ang dalawa sa Regal Studio Presents: Raya Sirena, #SparkleU: Ghosted, In My Dreams, at Luv Is: Caught in His Arms.

RELATED GALLERY: Sofia Pablo's beautiful transformation from child star to next gen leading lady