
Masayang birthday salubong ni KC Concepcion ang kaniyang ipinakita sa kaniyang latest vlog.
Si KC ay nag-celebrate ng kaniyang 39th birthday noong April 7.
PHOTO SOURCE: @kristinaconcepcion
"Ang saya saya ko," saad ni KC sa kaniyang bagong vlog.
Ang birthday salubong ni KC ay dinaluhan ng kaniyang malalapit na kaibigan at pamilya. Ilan sa mga ito ay sina Erik Santos, Mark Nicdao, at Paolo Valenciano.
Ayon kay KC, ang mga taong malalapit sa kaniyang puso ang nagbibigay ng halaga sa kaniyang kaarawan.
"It's really 'yung friends natin, 'yung family members natin, and mga mahal natin sa buhay na talagang nakakabigay ng meaning sa lahat. Sa lahat ng napagdaanan natin, selebrasyon dapat, nangingibabaw ang love."
Nagpasalamat naman si KC sa mga kaibigan at pati na rin sa supporters na bumati sa kaniyang kaarawan.
"I'd like to thank all my supporters for greeting me on my birthday and also to all my best friends for making me feel so loved today and everyday."
Sa huli, nag-iwan si KC ng kaniyang wish at pati na rin para sa mga kasabay niyang nagsi-celebrate ng kaarawan ngayong Abril.
"I hope lahat ng April babies ay magsaya at maging happy. It's the start of something new, new beginnings, fresh starts, and for me just choosing to be happy and choosing to help each other. Live happier and alam niyo 'yun bawas toxic 'di ba? Kailangan good vibes lang."
Panoorin ang vlog ni KC sa kaniyang birthday salubong dito:
SAMANTALA, BALIKAN ANG NAGING BUHAY NI KC CONCEPCION SA U.S.: