GMA Logo Marian Rivera, Dingdong Dantes
Source: marianrivera (IG)
What's Hot

Marian Rivera, Dingdong Dantes kinilala bilang mga 'Bida sa Takilya' ng FAMAS

By Hazel Jane Cruz
Published April 23, 2024 1:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Marian Rivera, Dingdong Dantes


Igagawad kina Marian Rivera at Dingdong Dantes ang 'Bida sa Takilya' award sa The 72nd FAMAS Awards na gaganapin sa May 26, 2024 sa Fiesta Pavillion ng Manila Hotel.

Paparangalan ang Kapuso Royal Couple na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes ng The Filipino Academy of Movies Arts and Sciences, Inc. o FAMAS matapos silang magbida sa highest-grossing Filipino film of all time na Rewind na kanilang comeback movie.

Pormal na igagawad sa primetime king and queen ang 'Bida sa Takilya' award sa The 72nd FAMAS Awards na gaganapin sa May 26, 2024 sa Fiesta Pavillion ng Manila Hotel.

Ang Rewind ay entry sa 49th Metro Manila Film Festival at prinodyus ng Star Cinema.

As of January 30, 2024, kumita ito ng mahigit Php 900 million sa worldwide box office. Ito ang kauna-unahang pelikulang Pinoy na umabot sa 900 million mark sa takilya.

Sa ngayon, mapapanood ang Rewind sa streaming service na Netflix.

Samantala, muling gagawa si Marian ng pelikula.

Bibida ang My Guardian Alien actress sa indie film na Balota na ire-release sa Cinemalaya. Mula ito sa produksyon ng GMA Pictures at GMA Entertainment Group at mula sa panulat at direksyon ni Kip Oebanda.

Bago pa mapanood si Marian sa indie, kilalanin ang Kapuso stars na lumabas sa Cinemalaya movies.