GMA Logo Mark Prin and Maylada Susri of Eclipse of the Heart
What's Hot

'Eclipse of the Heart' nina Mark Prin at Maylada Susri, mapapanood na sa GMA

By Aimee Anoc
Published April 24, 2024 12:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Mark Prin and Maylada Susri of Eclipse of the Heart


Abangan ang Thai hottest stars na sina Mark Prin at Maylada Susri ng 'Eclipse of the Heart' soon sa GMA.

Simula May 6, mapapanood na sa GMA ang dalawa sa hottest Thai celebrities na sina Mark Prin at Maylada Susri.

Abangan sina Mark Prin at Maylada Susri bilang Rina at Enzo sa pinakabagong Lakorn ng GMA, ang Eclipse of the Heart.

Makakasama sa mystery, romance series na ito sina Two Popetorn Soonthonryanakij bilang Sam, Unda Kulteera Yordchang bilang Kara, at Nok Chatchai Plengpanich bilang Brian.

Iikot ang kuwento ng Eclipse of the Heart sa pagtuklas ni Rina (Maylada Susri) sa misteryo ng biglaang pagkamatay ng kanyang amang si Ben (Game Santi Santiwetchakun), na sinampahan ng kasong pagnanakaw ng itinuring niyang pangalawang ama na si Brian (Nok Chatchai Plengpanich).

Makakasama ni Rina sa paghahanap ng katotohanan si Enzo (Mark Prin), ang pinaka hindi niya inaasahang makatutulong sa kanya dahil itinuturing itong black sheep ng pamilya.

Huwag palampasin ang Eclipse of the Heart, simula May 6, 5:10 p.m. sa GMA.

SAMANTALA, KILALANIN SI MARK PRIN SA GALLERY NA ITO: