
Thankful ang award-winning child actor na si Euwenn Mikaell sa mga mahuhusay na aktor na nakatrabaho niya sa bagong pelikula, na mapapanood soon sa Netflix.
Sa last day ng taping para sa pelikulang ito, ipinarating ni Euwenn sa co-stars na sina Baron Geisler at Jake Cuenca kung gaano siya nag-enjoy na makasama ang mga ito.
Dagdag pa ni Euwenn, marami siyang natutunan sa dalawang aktor, na naging mga kuya na niya sa set.
Bukod kina Baron at Jake, kasama rin ni Euwenn sa pelikula sina Joem Bascon at Jennica Garcia.
Samantala, patuloy na sumasalang sa taping si Euwenn para sa unang seryeng pagbibidahan sa GMA, ang Forever Young.
Sa upcoming inspirational drama series na ito, makikilala si Euwenn bilang Rambo, isang 25-year-old na na-trap sa katawan ng isang 10 year-old dahil sa rare medical condition na panhypopituitarism kung saan naapektuhan ang paglaki nito.
Makakasama niya sa serye sina Michael De Mesa, Eula Valdes, Rafael Rosell, Alfred Vargas, Nadine Samonte, Althea Ablan, Princess Aliyah, Bryce Eusebio, Lucho Ayala, at James Blanco.
Ang Forever Young ay sasailalim sa direksyon nina Gil Tejada Jr. at Rechie Del Carmen.
Abangan ang Forever Young, soon sa GMA Afternoon Prime.