GMA Logo The Voice Kids on GMA
What's on TV

'The Voice Kids' audition dates, mas pinarami pa!

By Jimboy Napoles
Published April 27, 2024 1:02 PM PHT
Updated August 7, 2024 5:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ahtisa Manalo returns to hometown in Quezon
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

The Voice Kids on GMA


Attention, Pinoy kids! Mas pinarami na ang audition dates para sa 'The Voice Kids' sa GMA kaya mag-audition na!

Mula sa matagumpay na debut ng The Voice Generations sa GMA, muling nagbubukas ang entablado para sa mga batang aspiring singers na gustong sumali sa The Voice Kids.

Good news dahil mas pinarami pa ang audition dates para sa mga kabataang mahuhusay umawit na gustong sumali. Mag-audition na ngayong April 27, May 11, May 25, at June 8. Pumunta lamang sa Studio 6 ng GMA Network simula 9:00 a.m. hanggang 4:00 p.m.

Samantala, magkakaroon din ng auditions para sa mga kabataang nasa Cagayan De Oro sa darating na May 4. Gaganapin ito sa Limketkai Luxe Hotel at magsisimula ang registration ng 8:30 a.m.

Bukas ang auditions para sa mga kabataang edad 9 hanggang 14 taon.

Para sa mga interesadong mag-audition, pinapayagan din ang pagdadala ng minus one at musical instrument.

Ano pa ang hinihintay mo? Humanda nang iparinig ang iyong boses sa buong mundo. Malay mo, ikaw na pala ang tatanghaling young superstar ng The Voice Kids!

For more updates on The Voice Kids, visit GMANetwork.com.