GMA Logo Dingdong Dantes, Charo Santos, Marian Rivera
Source: dongdantes (Instagram), Marian Rivera (Facebook)
What's Hot

Dingdong Dantes at Marian Rivera, muling bibida sa magkahiwalay na pelikula

By Jimboy Napoles
Published May 1, 2024 2:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ahtisa Manalo shares other headshot options for Miss Universe 2025
#WilmaPH spotted over waters of Can-avid, Eastern Samar
Netflix is buying Warner Bros.

Article Inside Page


Showbiz News

Dingdong Dantes, Charo Santos, Marian Rivera


May bagong pelikula na pinaghahandaan ang Box-Office King and Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Mula sa success ng kanilang top-grossing film na Rewind, muling bibida sa kani-kanilang mga pelikula ang Box-Office King and Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Si Dingdong, suportado ang kaniyang misis na si Marian na first time gaganap sa isang Cinemalaya film na pinamagatang Balota.

Sa isang interview, sinabi ni Dingdong na excited ang kaniyang asawa na si Marian na gumawa pa ng challenging at makabuluhang proyekto bilang isang aktres.

Aniya, “Talagang excited na excited siya rito sa pelikulang ito dahil nandoon na rin siya sa punto ng kaniyang buhay na gusto niya ring gumawa ng mga edgy, ng mga challenging at makabuluhang mga proyekto and I think 'yung pelikulang Balota is isa sa mga 'yun.”

Sa pelikulang Balota, gaganap si Marian bilang isang guro na si Emily na magliligtas sa huling kopya ng balota sa gitna ng eleksyon.

Ang Balota ay co-produced ng GMA Pictures at GMA Entertainment Group, at writer at director na si Kip Oebanda.

Samantala, naghahanda na rin ngayon si Dingdong para sa kaniya ring bagong pelikula kasama ang batikang aktres na si Charo Santos na pinamagatang Love After Love.

Ayon kay Dingdong, grateful siya na makatrabaho si Charo na isa sa mga itinuturing na haligi ng entertainment industry.

“Speaking of movie with Ma'am Charo, nagsimula na kami kaya sobrang excited ako rito kasi matagal na talagang naplano ito at isang karangalan talaga na makasama sa screen si Miss Charo Santos kaya talagang looking forward ako rito,” ani Dingdong.

Ang Love After Love ay reunion project din ni Dingdong sa writer and director na si Irene Villamor na gumawa ng pelikula nila ni Anne Curtis noong 2018 na Sid and Aya.

Kamakailan, kinilala naman sina Dingdong at Marian bilang Bida Sa Takilya awardees ng Filipino Academy of Movie Arts and Sciences o FAMAS.

Napapanood naman ngayon si Dingdong bilang host ng trending game show na Family Feud, habang balik-primetime na rin si Marian sa seryeng My Guardian Alien.