GMA Logo Angeli Khang parents
Source: angelikhang_/IG
What's Hot

Mga magulang ni Angeli Khang, tutol sa kaniyang pag-aartista noon?

By Kristian Eric Javier
Published May 3, 2024 4:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

CAAP extends flight ban over Mayon Volcano anew until morning of Dec. 15, 2025
Visually impaired soldier promoted from captain to major
Farm to Table: (December 14, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Angeli Khang parents


Pabor or tutol? Alamin ang reaksyon ng mga magulang ni Angeli Khang sa pagpasok niya sa showbiz.

Sikat man si Angeli Khang ngayon dahil sa kaniyang Vivamax films at parte na ng hit action-drama series na Black Rider, aminado ang aktres na walang basbas ng kaniyang mga magulang ang kaniyang pag-aartista.

Sa Updated with Nelson Canlas podcast, ikinuwento ni Angeli ang gusto ng kaniyang tatay para sa kaniya ay mag-focus sa sports.

“Ang Tatay ko po talaga, he's a military general tapos ang gusto niyang ipagawa sa'kin, more on marathon, sports, basketball, volleyball, taekwondo. Sabi niya sa'kin, tomboy na tomboy,” kuwento ng dalaga.

Ayon pa sa aktres ay gusto siyang pasalihin noon ng kaniyang Tatay sa Boy Scouts para hindi na siya umano gumamit ng shampoo at conditioner dahil magastos ito.

“Kinocompute pa sa'kin, 'After ilang years, 'pag nagshampoo ka, ang daming pera ang mawawala sa'yo,'” pag-alala ng aktres.

Nilinaw naman niya na well-off naman ang kaniyang tatay at sinabing baka dahil sa pagiging kuripot nito kaya naging well-off.

BALIKAN ANG MGA ANAK NG CELEBRITIES NA NASA SHOWBIZ NA RIN NGAYON SA GALLERY NA ITO:


Maging ang kanyang ina, na ayon kay Angeli ay isang pastora, ay hindi rin pabor sa pagpasok niya sa sexy films.

Kuwento ni Angeli, kasagsagan noon ng pandemic at dahil wala nang face to face classes noon, ay nakaramdam siya ng depression. Ito mismo ang dahilan kung bakit tinanggap niya umano ang offer na pumasok sa film industry.

“Unang pumasok sa utak ko, 'Uy, makikita na'ko sa screen, tapos dami kong makakasalamuha ng mga tao.' Parang normal lang na pagpunta ko dun sa unang movie na ginawa ko, nakita ko kung pa'no 'yung backstage na mga shooting, mga iba't-ibang artista, kung paano sila, 'yung passion nila, lalo na 'yung mga director at prods,” sabi niya.

Kuwento pa ni Angeli ay napaka-professional din ng mga tao sa likod ng camera kaya para hindi mag-alala ay tinawagan niya ang kaniyang ina para magpaliwanag.

“Kinall ko siya nu'ng unang scene ko ng sexy, sabi ko, 'Ma, 'pag may nakita kang movie ko na ganito, ganyan na nakahubad ako o may sexy scene ako, hindi 'yun ganun talaga.' In-explain ko sa kaniya lahat,” sabi niya.

Ngunit ayon sa kaniya ay nagulat ang kaniyang nanay at tinanong pa ang mga detalye tungkol sa direktor at sa location ng shoot.

Aniya hindi man sang-ayon ang kaniyang ina noong una, nang makita umano nito kung gaano siya kaseryoso sa ginagawa niya ay pumayag na rin ito.

“Sabi ng mom ko, 'Basta wala kang natatapakan na tao, mahal mo 'yung ginagawa mo, at masaya ka sa ginagawa mo, pagpatuloy po lang 'yan,'” pag-alala niya.

“And ngayon, thankful po ako na tuloy-tuloy na 'yung mga blessings,” sabi niya.

Pakinggan ang buong interview ni Angeli Khang dito: