What's Hot

Raymart Santiago, tikom ang bibig tungkol kay Claudine Barretto

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 24, 2020 8:43 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Filipino teachers face visa delays as US expands social media checks
18-year-old student arrested in Dagupan drug bust

Article Inside Page


Showbiz News



Dahil sa inilabas na "battered wife'' photos ni Claudine Barretto, muling umigting ang isyu sa pagitan nila ni Raymart Santiago. Bakit pinili ni Raymart na manahimik? 
By CHERRY SUN





Ngayong mainit muli ang alitan sa pagitan ng dating mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barretto, mas nais manahimik ng aktor tungkol sa isyu.
 
“Nasa korte na rin ‘yan eh at naniniwala pa rin ako na may hustisya. Dun dapat pinag-uusapan [ang] mga kasong ‘yan, hindi sa Twitter, hindi sa Instagram,” ani Raymart sa panayam ng Unang Hirit.
 
Tumanggi rin ang aktor na pag-usapan ang tungkol sa kustodiya ng kanilang mga anak.
 
Natatawa ring pinabulaanan nito na may namamagitan sa kanya at kay Bettinna Carlos na nakasama niya sa Villa Quintana.
 
Ngayon ay busy si Raymart sa nalalapit na bagong programa ng Kapuso network.