GMA Logo kiko pangilinan sharon cuneta cristy fermin
SOURCE: nelsoncanlas/(IG)
What's Hot

Cristy Fermin, sinampahan ng cyber libel case nina Kiko Pangilinan, Sharon Cuneta

By Hazel Jane Cruz
Published May 10, 2024 12:54 PM PHT
Updated May 13, 2024 11:40 AM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

kiko pangilinan sharon cuneta cristy fermin


Isa lamang ito sa mga naunang libel cases laban kay Cristy Fermin.

Nagsampa na ng kasong cyber libel ang mag-asawang sina Former Senator Kiko Pangilinan at aktres na si Sharon Cuneta laban sa showbiz columnist na si Cristy Fermin ngayong Biyernes, ika-10 ng Mayo.

Ayon sa isang real-time update ng GMA News correspondent na si Nelson Canlas ay humarap ang mag-asawa sa Makati City Prosecutors Office ngayong May 10 upang magsampa ng reklamong cyber libel case laban sa kilalang showbiz columnist na si Cristy Fermin dahil sa mga “baseless” at “malicious” na statements nito laban sa pamilya ng mag-asawang Pangilinan.

A post shared by Nelson Canlas (@nelsoncanlas)

“Former Senator Francis “Kiko” Pangilinan and his wife, actress Sharon Cuneta filed cyber libel charges before the Makati City Prosecutors Office against showbiz columnist and host Cristy Fermin for broadcasting baseless and malicious statements regarding their personal and family affairs,” ani Nelson Canlas sa kaniyang Instagram account.

Isa sa mga paratang ng showbiz columnist kay Sharon ang “malaking hidwaan” niya at ng panganay na anak na si KC Concepcion dahil sa “napakahalagang kagamitan” na ipinagkatiwala ni Sharon kay KC na siya namang “naglaho” umano mula sa puder ng aktres.

Samantala, wala pang pormal na anunsiyo ang mag-asawang Pangilinan o kahit sino sa kanilang mga anak ukol sa cyber libel case laban kay Cristy Fermin.

Matatandaan namang naghain din ng cyber libel case ang Kapuso actress at Widows War star na si Bea Alonzo laban kay Cristy Fermin pati na rin kay Ogie Diaz noong May 2, ilang buwan matapos maging usap-usapan sa mga YouTube channels ng dalawang kolumnista.

Sumagot naman si Cristy kay Bea kamakailan at sinabing handa siyang harapin ang aktres sa korte ukol sa nabanggit na reklamo. Idiniin din nito na hindi ito magiging hadlang sa kaniyang “malayang pamamahayag.”

Aniya, “Sinuman po ay maaaring magsampa ng anumang kaso laban kanino man [...] pero kung ito ay magiging dahilan para busalan ninyo ang bibig, opinyon, at malaya naming pamamahayag ay nagkakamali kayo. We will see you in court.”

PANOORIN ANG KANIYANG BUONG SALAYSAY RITO: