GMA Logo Rabiya Mateo
What's Hot

Rabiya Mateo, focused muna sa acting; ipinaliwanag ang TiktoClock exit

By Nherz Almo
Published May 13, 2024 5:20 PM PHT
Updated May 14, 2024 10:35 AM PHT

Around GMA

Around GMA

DepEd seeks private sector to help bridge digital gap faced by Pinoy learners
8 DWPH officials in Davao Occidental surrender over ghost project
BTS's Jungkook is Chanel Beauty's newest global brand ambassador

Article Inside Page


Showbiz News

Rabiya Mateo


Rabiya Mateo on acting: “Sana po mabigyan tayo ng role na mabibigyan ko rin ng justice.”

Masayang ibinalita ni Rabiya Mateo na magiging bahagi siya ng pinakaaabangang teledrama sa GMA, ang Pulang Araw.

Magkakaroon daw siya ng special role sa naturang serye, na pagbibidahan nina Barbie Forteza, Sanya Lopez, David Licauco, at Alden Richards.

“Meron po akong special participation sa Pulang Araw. Hindi ko pa po mase-share ang role ko kasi it's a surprise. Pero bilang isang Pilipino po, nakaka-proud na somehow feeling ko nabalik din ako sa 1930 era,” pagbabahagi ni Rabiya.

Nakausap siya ng ilang entertainment media, kabilang ang GMANetwork.com, matapos siyang ipakilala bilang bagong celebrity ambassador ng Royal Aesthetics noong Sabado, May 11.

Ayon sa beauty queen-turned-actress, kasunod ng pagganap niya sa katatapos lamang na GMA Afternon Prime series na Makiling, nais niyang gumanap sa mas seryosong roles. Katulad na lamang ng kanyang karakter sa May 11 episode ng Wish Ko Lang.

“Ngayon, tina-try ko naman po yung mga heavy drama, iyakan talaga. Siyempre, it takes a lot of practice para sa aspeto na yun,” sabi ng 27-year-old Sparkle talent.

Panoorin ang naturang episode dito:

Patuloy pa ni Rabiya, kakaibang saya ang nararamdaman niya kapag umaarte siya sa harap ng kamera.

“I'm so happy talaga. Kasi yung acting, kahit bago ko pa lang siya ginagawa, napamahal na po ako sa kanya.

“Alam ko naman po na hindi ako nag-umpisa bilang magaling na magaling na talaga. But I'm willing to learn. Sana po mabigyan tayo ng role na mabibigyan ko rin ng justice,” anya.

Bukod sa pag-arte, nakilala na rin si Rabiya bilang host sa pamamagitan ng daily variety show na TiktoClock.

Subalit, malungkot niyang ibinalita na hindi na siya mapapanood dito araw-araw.

Ani Rabiya, “In terms of hosting, yun nga po, with a heavy heart, katatapos lang po ng kontrata ko with TiktoClock. I'm very blessed for that exposure… Ako, I'm so proud of TiktoClock, nami-miss ko na rin po, actually, yung mga co-host ko doon. Pero ganun talaga ang buhay--may mga desisyon, may mga path na nag-e-end. However, sana po in the future, mag-meet ulit kami.”

Sa ngayon, madalas daw ang kanyang hosting gigs ay sa mga pageants, na kanyang ikinalulugod dahil, “It's also my way of being reconnected from where I am from, which is very refreshing po.”

Noong Sabado rin ay bumalik si Rabiya sa 24 Oras para sa maging newscaster ng “Chika Minute” segment.

A post shared by Rabiya Mateo (@rabiyamateo)


Sa kabuuan, natutuwa si Rabiya sa itinatakbo ng kanyang showbiz career--mapaartista man o host.

“Masaya kasi iniisip ko, honestly, it's work. At hindi lahat nabibigyan ng pagkakataon na ganito, so I have no right to complain, I have no right to questions what's happening. But I would always have the sense of gratitude to see goodness talaga kahit sa imperfect moments sa career ko ngayon,” pagtatapos ni Rabiya.

Samantala, balikan ang mga eksena ni Rabiya sa GMA Prime series na Royal Blood, na hinangaan ng mga manonood: