What's Hot

Glaiza de Castro iniwan ng boyfriend?

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 25, 2020 7:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

De Lima files bill to improve free Tertiary Education Law
Third-culture kid

Article Inside Page


Showbiz News



Inamin ni 'Dading' leading lady Glaiza de Castro na minsan na siyang iniwan ng kanyang boyfriend tulad ng character niya sa soap na si Beth. Kung sakaling balikan siya ng lalaking ito, bubuksan ba niya ang kanyang puso? 
By AL KENDRICK NOGUERA

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com
 
Tulad ng character ni Kapuso actress Glaiza de Castro sa Dading na si Beth, dumating na rin pala sa buhay ng aktres na iniwan siya ng isang lalaki.
 
Sa istorya ng Dading, hindi inaasahang nabuntis si Beth ng kanyang boyfriend na si Joemer (Benjamin Alves). Dahil hindi pa handang maging ama si Joemer, tinalikuran niya si Beth at nagpunta sa Amerika. Pagkalipas ng ilang taon, bumalik ang ngayo’y successful na si Joemer sa Pilipinas at nais niyang muling pumasok sa buhay ni Beth.
 
Tinanong namin si Glaiza kung naranasan na niya in real life ang masaklap na nangyari kay Beth. “Ang totoo niyan, nangyari na sa 'kin 'yan in real life eh,” pag-amin ng aktres. Pero linaw niya, naiwan lang siya ng lalaki pero hindi naman siya nabuntis.
 
Para kay Glaiza, naniniwala raw siya na dapat ay bigyan ng isa pang pagkakataon ang taong nakasakit sa ‘yo. Aniya, “Hindi naman kasi ako sarado pagdating sa isang tao. Kumbaga, kahit na may bad experience ako doon sa taong 'yon or mayroong something sa past namin na hindi okay, hindi ko isasarado 'yung isip ko na ganoon lang siya forever.”
 
Dagdag pa niya, “Binibigyan ko pa rin siya ng second chance. I try to let go of the past and let go of anger. Ayoko kasi 'yung dinadala 'yung bitterness.”
 
Kung babalik sa buhay ni Glaiza ‘yung taong nang-iwan sa kanya, mayroon ba siyang mga kondisyon? “Sa totoo lang nasa kanya na kasi 'yon eh. Receiver lang ako ng kung anumang action na mayroon siya eh. Pero ang hirap din kasing magbigay ng requirements or standards kasi baka hindi ma-meet 'yung expectations,” sagot ng Dading star.
 
“Mararamdaman mo naman 'yon eh kung sincere talaga siya, kung talagang nagbago na siya, kung talagang nag-mature na siya,” bahagi ng aktres.