GMA Logo Paolo Contis Yen Santos breakup
source: paolo_contis/IG
What's Hot

Paolo Contis sa issue ng hiwalayan nila ni Yen Santos: 'I'd like to keep it personal'

By Kristian Eric Javier
Published May 15, 2024 10:57 AM PHT
Updated May 15, 2024 11:01 AM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Deputy Speaker Garin discusses budget deadlock (Dec. 18, 2025) | GMA Integrated News
Ogie Alcasid gives seven relationship tips for daughter Leila Alcasid
4th leg ng Noel Bazaar nasa Filinvest Tent sa Alabang, mula Dec.19-21, 2025 | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Paolo Contis Yen Santos breakup


Kahit wala nang fina-follow na accounts si Yen Santos sa Instagram, naka-follow at may pictures pa rin si Paolo Contis sa kaniyang account.

“Isang magandang no comment.”

Iyan ang naging pahayag ng Kapuso actor at Bubble Gang comedian na si Paolo Contis nang tanungin siya tungkol sa posibleng hiwalayan nila ng girlfriend at kapwa aktor na si Yen Santos.

Nagsimula ang usaping hiwalayan nang burahin ni Yen Santos ang kaniyang birthday greetings para kay Paolo Contis mula sa kaniyang Instagram page. Dagdag pa nito, wala na rin fina-follow na accounts si Yen Santos.

Paliwanag naman ni Paolo sa kaniyang “no comment” sa interview ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras, “I always say masyado na kayong may alam sa buhay ko so I'd like to keep it personal, my personal life.”

Pagpapatuloy ni Paolo, “Dati fina-follow kita, dati fina-follow ko si Gorgy, in-unfollow ko rin kayong lahat. Ibig sabihin ba naghihiwalay tayo lahat?”

Samantala, naka-follow pa rin ang Instagram account ng aktor at may litrato pa rin nila ni Yen sa kaniyang account.

BALIKAN ANG ILANG LITRATO NI YEN SA KANIYANG 31ST BIRTHDAY SA GALLERY NA ITO:


Proud naman si Paolo Contis sa kaniyang bagong pelikula na Fuchsia Libre na ipalalabas sa May 15, kung saan gumaganap siya bilang isang gay mixed martial arts fighter. Bukod sa pagbabawas ng tibang, nag-aral din umano si Paolo ng wrestling bilang paghahanda sa role.

“Ito ' yung first time na action tapos gay ' yung role ko. It's very fun, it's very entertaining, sabi ng aktor.

Controversial naman para sa kaniyang co-star na si John Arcillas ang pelikula dahil sa tema nito.

“Hindi lang siya pang LGBTQ, definitely pang whole family siya, especially sa mga magulang na hindi naiintindihan 'yung mga ganung klaseng sitwasyon,” paliwanag ng beteranong aktor.

Dumalo rin sa premiere night sina Sparkle stars Khalil Ramos, na bida rin sa pelikula, at girlfriend nitong si Gabbi Garcia na excited na para sa bagong role ng kaniyang boyfriend.

“It's exciting kasi sobrang bago ng character niya so looking forward din ako mapanood,” sagot ni Gabbi Garcia.

Samantala, tila bumalik naman umano sa pagiging highschool si Khalil Ramos na sobrang na-enjoy ang role sa Fuchsia Libre.

“It was like going back to my highschool self kasi napakakulet nung character. There was challenge pero medyo madali ko siyang napuntahan,” kuwento ni Khalil tungkol sa kanyang ginagampanang karakter sa pelikula.