
Isang unique na love story ang dapat abangan ng Pinoy viewers ngayong Mayo.
Ilang linggo na lang at mapapanood na ang South Korean romantic comedy drama series na Shooting Stars.
Ang K-drama na ito ay maglalahad ng istorya tungkol sa career ng dalawang tao.
Iikot din ang kuwento nito sa kanilang komplikado at makulit na buhay pag-ibig.
Mapapanood bilang lead actor sa serye ang Korean star na si Kim Young-dae, na kilala sa Korean series na The Penthouse.
Ang katambal niya sa serye ay ang Korean actress na si Lee Sung-kyung.
Makikilala sa Shooting Stars si Kim Young-dae bilang si Trevor, habang si Lee Sung-kyung naman ay mapapanood bilang si Heather.
May pag-asa kayang magkatagpo ang dalawang puso na abala at labis na pinangangalagaan ang kani-kanilang mga career?
Abangan ang love-hate relationship nina Trevor at Heather.
Huwag palampasin ang pagsisimula ng Shooting Stars, ngayong May 27 na, 10:20 p.m. sa GMA.