GMA Logo Alden Richards
Photo by: aldenrichards02 (IG)
What's Hot

Alden Richards, may babala sa fake news kumakalat sa internet

By Kristine Kang
Published May 16, 2024 1:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Kilusang Bayan Kontra Kurakot press conference (Jan. 19, 2026) | GMA Integrated News
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Alden Richards


Alden Richards tungkol sa kanyang fake tweets: "Wala naman ako karapatan manghusga sa taong tinutukoy doon."

Para sa kanyang pelikula na Five Breakups and a Romance, pinarangalang Box Office King ang Asia's Multimedia Star na si Alden Richards sa 52nd Box Office Entertainment Awards.

Maliban sa kanyang bagong achievement, naging usap-usapan din ng netizens ang muling pagkikita nila ng Kapamilya star na si Kathryn Bernardo.

Maraming kinilig na fans sa kanilang sweet interactions, kasama ang kanilang viral video na inaalayan pa ni Alden si Kathryn sa stage.

Sa kanyang panayam kasama si Aubrey Carampel para sa 24 Oras, maiksing pahayag ang ibinigay ni Alden tungkol sa kanilang video.

Aniya, "Okay naman, siyempre ano siya, parang, 'Ako muna,' tapos siya'y sumunod."

Dagdag din ng Kapuso star na hangga't maaari, nais niya maging mas personal at private muna ang tungkol sa kanila ni Kathryn. Kaya naman mag-ingat daw sa fake tweets na gumagamit ng kanyang pangalan patungkol sa kanila at sa dating relasyon ng aktres.

"Kahit kailan po hindi po ako magko-comment ng kahit anong defamatory words to someone na hindi ko naman masyado nakakasama. Wala naman ako karapatan manghusga sa taong tinutukoy doon sa fake tweets na kumakalat," sabi ni Alden.

Dapat din daw mag-fact check muna bago paniwalaan ang mga bagay-bagay sa internet, lalo na't marami talagang fake news sa social media.

"Ingat lang po tayo sa fake news dahil ang social media po ay pugad ng fake news so not until 'yung mga official accounts po ng mga artista ang nag-post ng tweets na kumakalat 'di umano, eh 'wag po natin agad paniwalaan at mag-fact check po muna tayo bago tayo mag-call out ng judgment," pahayag niya.

Samantala, inaalay ni Alden ang kanyang parangal sa pumanaw niyang ina. Espesyal ang award para sa Kapuso star, lalo na raw natanggap niya ito ngayong Mother's Day.

Sabi niya, "Everything that I do naman is for her, this is for my mom, alam naman niya 'yun, alam ng nakararami 'yun. Siyempre ang mensahe ko lang din talaga to everyone is never take our parents for granted most especially our mothers kasi one way or another, you'll never know when will be the last time we'll be with them so make the most out of it."

Maliban sa bago niyang parangal, blessed din si Alden sa kanilang bagong GMA series na Pulang Araw.

Grateful ang Kapuso actor dahil nakasama niya ulit ang Primetime Princess na si Barbie Forteza.

"Si Barbie na nakasama ko noon, ganun pa rin siya. Mas magaling lang iyon, mas maraming drama dahil magkapatid kami. Ang maganda kasi we bring out the best in each other. Actually hindi lang kaming dalawa, lahat naman ng cast ng buong Pulang Araw."

Makakasama rin ni Alden ang mga bigating Kapuso stars na sina Sanya Lopez, David Licauco, at Dennis Trillo.

"Masaya yung set namin, maganda 'yung istorya namin at malapit n'yo na po mapanood ito, mga Kapuso, kaya abangan n'yo po," sabi ni Alden.