
Balik Kapuso na si Ahron Villena at isa siya sa mga pumirma sa Signed for Stardom 2024.
Si Ahron ay napanood sa Survivor Philippines noong 2008.
Sa Signed for Stardom 2024 na ginanap ngayong May 16 ay inilahad ni Ahron na dumaan muna siya sa audition para makapasok sa Sparkle. Kasabay ni Ahron sa pagpirma sa contract signing event ang biggest and brightest stars ng GMA Network at Sparkle.
"Dumaan po ako sa process, I auditioned, and I met the panel. Hindi ko po in-expect na makakapasok ako sa Sparkle. Kumbaga, I think I am too old to be part of Sparkle."
Dugtong pa ni Ahron ay binigyan siya ng pagkakataon ng GMA Network at Sparkle na mas maipakita pa ang kaniyang kakayahan sa pag-arte.
"They gave me a chance. Binigyan po nila ako ng pagkakataon to prove my craft and my skills. Gusto ko pa pong matuto. Marami pa po akong gustong matutunan at gawin as an actor."
Sa kaniyang pagpirma ay nagpasalamat si Ahron sa pagkakataon na maging parte ng Sparkle at Kapuso Network.
"I am so blessed. Now I can say officially I am part of Sparkle family, part of Kapuso network.