
Kapuso pa rin si Pokwang at kabilang siya sa mga biggest and brightest stars ng "Signed for Stardom 2024".
Ngayong May 16, nakabilang si Pokwang sa biggest contract signing event ng Sparkle.
Nagbahagi si Pokwang ng kaniyang pasasalamat sa mga biyayang ipinagkakaloob sa kaniya dahil sa pagbabahagi ng talento bilang isang komedyante, host, at aktres.
"God, thank you po sa talent na ipinagkaloob ninyo sa akin. Maraming salamat po nakaluwag luwag ang pamilya ko sa buhay dahil po sa talentong hindi ko inaakala na mayroon pala ko."
Inilahad din ni Pokwang ang pasasalamat dahil sa kaniyang nakuhang mga projects kahit dumaan sa pagsubok ang industriya noong pandemya. Matatandaang unang pumirma si Pokwang sa Sparkle noong June 2021.
Saad ng TiktoClock host, "During the pandemic po maraming nawalan ng hanapbuhay even sa industry nadagukan tayo nang todo-todo. Nagpapasalamat po ako sa GMA sa pagbukas po ng inyong pintuan sa akin. Maraming salamat po. Thank you po sa tiwala ninyo na ma-i-share ko po nang tuloy-tuloy ang talento ko po."
Binalikan naman ni Pokwang ang kaniyang unang pangarap bago siya maging Sparkle at Kapuso star.
"Kaunting trivia lang po. Sa GMA po ako unang unang nag-perform. Kontisera po ako noong araw, siyempre hindi beauty contest, dance contest po. Sa Lunch Date doon po ako lumalaban po kasi pangarap ko lang po Ma'am Annette [Gozon-Valdes], maging isang TV dancer."
Naging emosyonal naman si Pokwang dahil sa naging katuparan ng dati niyang pinapangarap.
"'Yun lang po talaga pangarap ko, hindi ko naman po akalain. 'Pag nagdadasal po talaga kayo, 'yung maliit na ipinapanalangin mo, ibibigay sa 'yo ni God nang mas malaki."
Congratulations, Pokwang!