
Inilahad ni Winwyn Marquez na bukod sa saya ay may halong kaba siyang nararamdaman nang tumungtong siya sa Signed for Stardom 2024 stage.
Ani Winwyn, "Ilang stage na yung natayuan ko pero kinakabahan pa rin ako."
Sa kaniyang pagpirma sa Sparkle nitong May 16 kasama ng ibang Sparkle artists. binalikan niya ang kaniyang mga karanasan sa pagiging Kapuso.
"I've been with GMA for more than a decade already... I learned so much valuable lessons and experiences here in GMA that built my confidence offstage and of course, on stage. I felt like I needed to embrace another opportunity and that's with Sparkle."
Isa sa mga inalam sa Signed for Stardom 2024 ay mga roles na gusto pang gampanan ni Winwyn sa GMA Network.
Sagot ni Winwyn, "Actually almost all na nagawa ko kontrabida ako. Maybe this I want to do action. Feeling ko mas strong na ako dahil nagkaanak na ako dahil nabubuhat ko yung anak ko na 18 kilos araw-araw. I want to do that role because I've never done it."
Sa huli, nagpasalamat si Winwyn na bahagi na siya ng Sparkle.
"Thank you so much for welcoming me into your family, finally. I am so excited to reach new heights with Sparkle. Thank you for the warm welcome. Thank you po sa mga boss and everyone and sa mga handlers na nandito maraming maraming salamat po."
Congratulations, Winwyn!
RELATED CONTENT: Photos that prove Winwyn Marquez is one hot momma!