GMA Logo Esnyr
PHOTO COURTESY: Gerlyn Mae Mariano
What's Hot

Esnyr, inilarawang 'super special' ang 2024 Cinemalaya entry na 'Balota'

By Dianne Mariano
Published May 17, 2024 1:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 5, 2025
Cloud Dancer is Pantone's 2025 Color of the Year
Yacht catches fire; damage hits P900,000

Article Inside Page


Showbiz News

Esnyr


Kabilang ang social media star at actor na si Esnyr Ranollo sa 2024 Cinemalaya film entry na 'Balota.'

Labis ang pasasalamat at excitement ng content creator at actor na si Esnyr Ranollo sa pelikulang Balota na isa sa entries ng Cinemalaya Film Festival ngayong taon.

Ang Balota ay co-produced ng GMA Pictures kasama ang GMA Entertainment Group, in cooperation with Cinemalaya.

Ayon sa social media star, inilarawan niyang sobrang espesyal ang pelikulang ito para sa kanya dahil kabilang ito sa entries ng 2024 Cinemalaya Film Festival at makakasama niya rito ang mga batikang aktor tulad ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.

“Super special po itong movie sa akin kasi it's a Cinemalaya film and being part of it na… who would've thought na from making TikToks lang po online, magiging parte po ako rito. And of course, kasama ko po [sa pelikula] ang nag-iisang Marian Rivera, together with such veteran actors and co-stars. I'm super excited po, super shocked,” aniya sa interview ng GMANetwork.com sa naganap na story conference ng Balota.

Grateful din si Esnyr sa kanyang kapwa content creator na si Sassa Gurl dahil sinusuportahan nila ang isa't isa at sila'y naghihilahan pataas.

Patuloy niya, “Nagpapasalamat po talaga ako kay Mima kasi siya rin po 'yung nag-recommend sa akin kay Direk [Kip Oebanda]. Super happy lang na we are not bringing each other down, naghihilahan kami pataas, lalo na si Mima na kasama ko sa paggawa ng mga content. Super excited po ako to do this project.”

Ang Balota ay pagbibidahan nina Will Ashley, Royce Cabrera, Raheel Bhyria, Gardo Versoza, Mae Paner, Nico Antonio, Donna Cariaga, Joel Saracho, Sue Prado, Esnyr, Sassa Gurl, at Marian Rivera.