
Masusundan na ang kuwento nina Ethan and Joy dahil magbabalik-tambalan na sina Alden Richards at Kathryn Bernardo sa Hello, Love, Again.
Ang Hello, Love, Again ay ikalawang bahagi ng pelikulang Hello, Love, Goodbye, na blockbuster film nina Alden at Kathryn noong 2019.
Sa media conference na inihanda para sa official announcement nito, ikinuwento ni Alden ang kaniyang pakiramdam ngayong naisapubliko na ang Hello, Love, Again.
"Parang panaginip, kaming lahat po hindi po kami makapaniwala na finally it's happening this year. We couldn't be more excited on what's to unfold in the next couple of months pero maraming maraming salamat po sa inyo na nandito ngayon."
Ayon pa kay Alden ikinatutuwa niya na ang kanilang pelikula ni Kathryn ay ang unang collaboration ng Star Cinema at GMA Pictures.
"What excites me even more is this is the first collaboration of Star Cinema and GMA Pictures in a film. We couldn't be happier. Talagang tuloy tuloy na 'yung collaboration."
Dagdag na kuwento ni Kapuso actor, hinintay niya na masundan ang kanilang pelikula ni Kathryn.
Ayon kay Alden, "Hinintay ko rin siya, after seeing the film over and over again, yung pangarap na yun nasa puso ko lang in the past five years. Finally, dreams do come true talaga."
Mapapanood ang Hello, Love, Again sa November 13 directed by Cathy Garcia-Sampana.
Tingnan dito ang reaksiyon ng fans sa muling pagtatambal nina Alden at Kathryn sa pelikula: