GMA Logo cathy garcia sampana on hello love again
What's Hot

Cathy Garcia-Sampana shares new setting, changes in the story of 'Hello, Love, Again'

By Aimee Anoc
Published May 19, 2024 7:45 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Most parts of PH to see cloudy skies, rain due to 3 weather systems
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

cathy garcia sampana on hello love again


Direk Cathy Garcia-Sampana sa bagong setting ng 'Hello, Love, Again': "Na-realize namin na iba sa kuwento ng mga taga-Canada, which excites me..."

Opisyal nang inanunsyo ngayong Linggo, May 19, ang pagbabalik sa big screen nina Alden Richards at Kathryn Bernardo sa pamamagitan ng Hello, Love, Again, na sequel ng 2019 box office hit na Hello, Love, Goodbye.

Ito ang unang collaboration film ng GMA Pictures at Star Cinema at ang biggest collaboration of the year. Ang Hello, Love, Again ay ididirehe ng box office director na si Cathy Garcia-Sampana, na siya ring direktor ng Hello, Love, Goodbye, at isinulat nina Carmi Raymundo at Crystal Hazel San Miguel.

Sa official announcement ng pelikula, ibinahagi ng writers at director ng Hello, Love, Again ang mga pagbabago sa kuwento nina Ethan at Joy.

Sa Hello, Love, Goodbye, matatandaan na naputol ang love story nina Ethan at Joy sa Hong Kong dahil itinuloy ni Joy ang pangarap na makapunta sa Canada bilang isang nurse.

"Sabi nga ni Alden, it's familiar but it's different. Lot of changes kasi five years from 2019 nu'ng natapos 'yung Hello, Love, Goodbye, sakto ang daming nabago sa mundo after. Eksakto. Di ba nu'ng lumipad si Joy papuntang Canada, nagkaroon ng pandemic, nag-shut down ang buong mundo? So. ang daming nabago," sabi ng writer na si Carmi Raymundo.

Pagpapatuloy ng writer na si Crystal Hazel San Miguel, "Dahil nabago 'yung mundo for sure nabago rin 'yung characters, 'yung mga pinagdaanan nila. And syempre, ang pinakamalaking tanong, nagbago ba 'yung love they have for each other?"

Dagdag naman ni Direk Cathy tungkol sa pagpapatuloy ng love story nina Ethan at Joy sa Hello, Love, Again, "Pero kahit anong pagbabago na nangyayari sa atin, may natitirang ikaw pa rin, naiiwan 'yung core. And iyon ang [ilalabas sa kuwento]."

Ayon kay Direk Cathy, bukod sa ocular ay nagkaroon na sila ng mga immersion at interviews sa mga Pinoy at non-Filipino sa Canada at Hong Kong para sa sequel.

"Tinutuloy lang natin ang kuwento, lumilipat lang ng lugar pero ganoon pa rin this is all about Filipino workers working and living abroad. And, grabe, sabi namin, 'Oh! May iba talagang kuwento kapag lumipat ka na ng bansa. Ibang-iba.'

"The journey and the learnings na nakuha namin from OFWs sa Hong Kong, na-realize namin na iba sa kuwento ng mga taga-Canada, which excites me kasi at least alam ko may bago kaming ikukuwento," sabi ni Direk Cathy.

Samantala, marami na ang excited at kinikilig sa pagbabalik-tambalan nina Alden at Kathryn sa big screen.

BASAHIN ANG ILAN SA REACTION NG NETIZENS SA PAGKAKAROON NG SEQUEL NG 'HELLO, LOVE, GOODBYE' SA GALLERY NA ITO: