
Muling nakatanggap ng pagkilala si Marian Rivera dahil sa kanyang husay sa pag-arte.
Pinarangalan ang Kapuso Primetime Queen ng Movie Actress of the Year award sa naganap na 5th Village Pipol Choice Awards.
Ang nasabing pagkilala kay Marian ay dahil sa kanyang mahusay na pagganap sa highest-grossing film of all time na Rewind, kung saan nakatambal niya ang asawang si Dingdong Dantes.
Kamakailan lamang ay kinilala sina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa 52nd Box Office Entertainment Awards, kung saan sila ay pinarangalan bilang Box-Office Phenomenal Stars of Philippine Cinema at Most Popular Loveteam for Movies para sa kanilang pelikula na Rewind.
Kasalukuyang bumibida si Marian bilang si Grace sa family series na My Guardian Alien, na napapanood tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m., sa GMA Prime, Pinoy Hits, at Kapuso Stream.
Bibida rin ang renowned actress sa 2024 Cinemalaya entry na Balota, na co-produced ng GMA Pictures kasama ang GMA Entertainment Group, in cooperation with Cinemalaya.
KILALANIN ANG IBA PANG KAPUSO STARS NA NAGWAGI SA 5TH VILLAGE PIPOL AWARDS.