GMA Logo Dennis Trillo, Dolly De Leon
Source: dollyedeleon (Instagram)
What's Hot

Dennis Trillo, Dolly De Leon, to star in CreaZion Studios' new thriller series 'Severino: The First Serial Killer'

By Jimboy Napoles
Published May 24, 2024 4:06 PM PHT
Updated May 24, 2024 5:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Dennis Trillo, Dolly De Leon


Gaganap bilang mag-ina sina Dennis Trillo at Dolly De Leon sa Severino: The First Serial Killer.

Magsasama sa bagong thriller series ng CreaZion Studios na Severino: The First Serial Killer ang award-winning Kapuso actor na si Dennis Trillo at ang internationally acclaimed actress na si Dolly De Leon. Ang direktor ng serye ay walang iba kundi si Direk Yam Laranas.

Sa nasabing serye, gaganap si Dennis bilang isang Katolikong Pari na si Severino Mallari na pinaniniwalaang pumatay ng 57 katao noong panahon ng pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas, habang bibigyang-buhay naman ni Dolly ang karakter ng ina ni Severino.

Sa kuwento, naniniwala si Severino na nakulam ang kaniyang inang may sakit at ang tanging makakapagpagaling dito ay ang pagpatay ng tao.

Nakatakdang simulan ang produksyon ng horror series sa darating na Setyembre. Hindi naman ito ang unang beses na magkakatrabaho sina Dennis at Dolly dahil nagkasama na rin sila noon sa pelikulang On The Job 2: The Missing Eight ng direktor na si Erik Matti.

Matatandaan na nagkaroon na rin ng pelikula tungkol kay Severino Mallari na pinamagatang Mallari. Pinagbidahan ito ng aktor na si Piolo Pascual at isa sa entries sa 2023 Metro Manila Film Festival.

Samantala, sunod-sunod naman ang proyekto ni Dennis ngayong taon dahil nagsimula na rin ang shooting ng aktor sa biggest historical drama ng GMA na Pulang Araw. Dito ay first-time na gaganap ni Dennis bilang isang kontrabida.

Sa isang interview, sinabi niya na matagal niya nang gusto ang magkaroon ng ganitong klaseng role.

Aniya, “Matagal ko na rin tong hinihintay itong ganitong klaseng project, ganitong kabigat na character ngayon naman as a kontrabida.

“May konting pressure pero mas doon ako sa importansya sa pagkakaroon ko ng challenge bilang artista. Sa rami [na] ng nagawa ko, kailangan ko ng isang mabigat na role na mag-iisip ako at pag-iisipan ko bawat kilos, bawat galaw, bawat dialogue, excited ako sa ganun.”

Kasama ni Dennis sa Pulang Araw ang kapwa niya Kapuso stars na sina Barbie Forteza, Sanya Lopez, David Licauco, at Alden Richards.

Bukod pa sa seryeng ito, nakatakda na ring ipalabas ngayong taon ang reunion film project ni Dennis at ng kaniyang misis na si Jennylyn Mercado na Everything About My Wife, kung saan kasama naman nila ang aktor na si Sam Milby. Mula din ito sa produksyon ng CreaZion studios at directed by Direk Real Florido.

Ang naturang pelikula nina Dennis at Jennylyn ay Filipino remake ng Argentinian hit na Un Novio Para Mi Mujer.

RELATED GALLERY: IN PHOTOS: The most notable television roles of Dennis Trillo