Article Inside Page
Showbiz News
After Bagyong Millet last week, maraming quotable quotes mula sa 'Ang Dalawang Mrs. Real' ang 'di malimot ng mga manonood. Anu-ano ito?
By MICHELLE CALIGAN
Tuluyan nang tumatak sa mga manonood ang mga eksenang naganap last week sa primetime series na Ang Dalawang Mrs. Real. Viewers were glued to their television screens, waiting for Millet to finally discover Anthony's secret. Inabangan din ng lahat ang mahigit sa dalawampung sampal na binigay ni Millet sa asawa, pati na rin ang paghaharap nila ng pangalawang Mrs. Real na si Shiela.
Dahil puno ng samu't saring emosyon ang bawat episode noong nakaraang linggo, maraming mga linyang binitawan ang mga tauhan na hindi makalimutan ng mga manonood.
Here are some of the quotes delivered by your favorite Ang Dalawang Mrs. Real characters:
"Ang lalaki, dalawa ang ulo na ginagamit nila. 'Yung isa dito (points to head), ang isa dito (points down). Minsan, mas makamandag 'yung ulong nakatago sa pantalon nila kaysa sa ulong nakapatong sa leeg nila."
"Bakit naman ganun, Anthony? Sa 'yo ko pinaikot ang mundo ko. Tinanggihan ko lahat, 'di ba? Tinalikuran ko ang mga magulang ko. Hindi ba lahat ginawa ko naman, 'di ba? Bakit? Bakit mo ako ginanito? Ano ang kulang ko, Anthony? Sagutin mo ako!"
"Hindi mo na kailangang magsalita. Alam ko na. Nandito siya."
"Alam ko na may asawa ka. Alam ko na nag-usap na rin kayo. Alam niya ang tungkol sa ating dalawa."
"Number one, nasa Bibliya, ika-sampung utos ng Diyos. Dapat hindi ka nakikiapid sa isang lalaking may asawa na. Siguro naman alam mo 'yun, 'di ba? Pangalawa, hindi ka dapat nagbubuka ng mga hita mo sa kung sino mang lalaki na maabutan mo. Pangatlo, dapat nagre-research ka muna. Bago mo ibuka ang hita mo, mag-research ka!"
"Hindi na ako papayag na maging martyr pa, Tino. Naging mahina ako kaya mahina si Shiela. Hindi na puwede. Kailangan ko nang maging malakas."
"Ano ba ang pinagsasabi mo?"
"Hihiwalayan mo na ang kabit mo. Kung hindi, ako ang makikipaghiwalay sa 'yo. Gagawin mo 'yun dahil 'yun ang tama."
"Ano gusto mo, sapakin mo kaming lahat?? Sa tingin mo may magagawa 'yun? Kahit patayin mo kaming lahat, wala ka nang magagawa, dahil iniwan na ng kuya ko si Shiela!"
Huwag palampasin ang mga kapana-panabik na eksena sa Ang Dalawang Mrs. Real, weeknights after My Destiny, sa GMA Telebabad.