GMA Logo Kaloy Tingcungco
Source: kaloytingcungco/IG
What's Hot

Kaloy Tingcungco, sanay nang gumising ng maaga para sa 'Unang Hirit'

By Kristian Eric Javier
Published May 24, 2024 6:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DOH: 2 dead, over 260 hurt in motorcycle crashes amid Christmas 2025 rush
PDLs reunite with families on Christmas Day
Kavi On Playlist

Article Inside Page


Showbiz News

Kaloy Tingcungco


Para kay Kaloy Tingcungco, madali na ang paggising niya sa umaga para sa 'Unang Hirit.'

Hindi biro ang oras ng pasok ng mga host ng morning show na Unang Hirit. Kaya naman, bago pa man nakapasok ang Morning Oppa sa Umaga na si Kaloy Tingcungco sa show ay na-manage na niya ang expectations tungkol sa oras ng gising.

Pag-amin ni Kaloy sa Surprise Guest with Pia Arcangel podcast, na-practice na niya ang paggising sa iba't ibang oras noong flight attendant pa siya. Aniya, nag-struggle din siya noon hanggang nasanay na siya.

“I think kahit papaano, dito sa Unang Hirit, medyo na-manage ko 'yung expectations ko na, 'Ay, maaga 'to,'” sabi niya.

Pag-alala niya, excited pa siya noon sa unang guesting niya, ngunit nagulat umano siya na ipu-pull-out siya ng 11 pm para pumunta sa remote coverage nila sa Lian, Batangas. Naging mas challenging pa ito para sa kaniya dahil hindi siya nakakatulog sa biyahe.

“Wala na talaga akong chance matulog and ako, personally, hindi ako nakakatulog sa biyahe. It's a struggle for me to sleep while on the road. Kahit gaano man ako kapuyat, hindi ako makakatulog sa daan,” sabi niya.

Puyat man siya sa unang guesting niya, hindi umano ito naging hadlang para kay Kaloy na maging eager na maimbitahan uli sa Unang Hirit. Kuwento pa ni Kaloy, pagkatapos na pagkatapos ng segment na ginawa niya sa Batangas ay sinabihan na niya agad ang handler na ready siyang mag-guest uli kinabukasan.

MAS KILALANIN PA SI KALOY SA GALLERY NA ITO:

“Nu'ng naging regular naman ako, nu'n in-offer-an nila ako maging regular host, siyempre mas nangibabaw 'yung excited ako gumising araw-araw because I get to have a regular job again,” sabi niya.

“I was so happy, I felt really blessed na nag-offer sila na maging regular host ako and up until now, I tell people or I share to my friends kapag nagtatanong sila, 'How's life with Unang Hirit?' I always start with how I get up in the morning,” pagpapatuloy ni Kaloy.

“Sabi ko, 'Know what, never naging dragging sa'kin gumising sa umaga. I always look forward to something new everyday.'”

Sabi pa ni Kaloy ay kahit may routiness sa ginagawa niya, meron namang mangyayaring bago at nasa sa'yo na iyon kung may gagawin ka para ma-break ang routine.

“It's up to you actually if you're gonna do something about it if ayaw mo siya maging routinary, you do something about it.

Pakinggan ang buong interview ni Kaloy dito: