
Malakas pa rin ang tambalang Barbie Forteza at David Licauco, o mas kilala bilang BarDa sa kanilang fans. Lalong umingay ang tambalan nang ilabas na ang first teaser trailer ng unang pelikula nila na That Kind of Love.
May noong nakaraang taon nang lumipad sina Barbie at David sa Korea para kunan ang pelikula nila. Napili rin ito bilang isa sa mga pelikula na ipinalabas sa nagdaang Jinseo Arigato Film Festival sa Japan, kung saan ito nag-world premiere.
Nitong June 1 naman unang ipinalabas ang teaser trailer ng pelikula kung saan nag-trend sa X (dating Twitter) ang pangalan ng dalawang bida, at ang That Kind of Love.
Sa trailer ay ipinakilala pa lang ang karakter nina Mila (Barbie) at Adam (David) pero excited na ang fans nila na mapanood sila sa big screen.
BALIKAN ANG YEAR OF KILIG MOMENTS NINA BARBIE AT DAVID SA GALLERY NA ITO:
Comment ng isa sa Instagram post ng Sparkle, “Grabe na kayo magpakilig @davidlicauco @barbaraforteza.”
Sulat naman ng isa pa, “Adam & Mila on big screen! excited much!”
Ini-upload din ang trailer sa YouTube channel PM Productions kung saan isa sa mga comments ay pinansin ang chemistry nina David at Barbie.
Aniya, “The chemistry! [Nakaka-miss] ang ganitong BarDa visual. Plus the OST in the BG (background)! Ilabas na ang trailer!”
Sabi naman ng isa ay hindi siya maka-move on at paulit-ulit pang pinanood ang trailer dahil sa kilig.
Komento naman ng isang netizen, “Ibalik ang pag-ibig BarDa [the] mesmerising eyes [the] look of love ni David. Only for babie's. Ang sweet ibalik ang kahapon.”
Source: pmproductionsinc/YT
Excited na rin ang mga netizen sa X, at sinabing excited na silang mapanood ang BarDa sa big screen, at na handa na silang ma-in love.
Mixed emotions naman ang nararamdaman ng isang user habang pinapanood ang teaser ng 'That Kind of Love.' Aniya, “Hahaha! Grabe! [Mixed] emotions no? Habang nanunood ng TKL pati siguro sa upuan eh di natin alam pano tyo uupo or makaka upo ba ng maayos.”
Excited na rin at “abangers” na ang ilang netizen para sa full trailer ng pelikula. Sabi ng user, “Mag-ipon pa more kilig is coming.”
Bukod sa kanilang pelikula, inaabangan din ng fans ang muling pagsasama nila sa serye, sa upcoming historical drama series na Pulang Araw.
Panoorin ang buong teaser trailer dito: