GMA Logo Widows War taping
What's on TV

Bea Alonzo, may behind-the-scenes pasilip sa taping ng 'Widows' War'

By Kristian Eric Javier
Published June 2, 2024 5:49 PM PHT
Updated June 13, 2024 8:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

9 alleged ex-terrorists surrender in Maguindanao del Norte
US Homeland Security orders pause of DV1 visa program
Pop Mart opens first permanent PH store

Article Inside Page


Showbiz News

Widows War taping


Kumusta na ang taping ng murder mystery series na 'Widows' War?'

Malapit nang ipalabas ang upcoming mystery-thriller series na Widows' War na pinagbibidahan nina Bea Alonzo at Carla Abellana. Para lalong ma-excite at abangan ng mga manonood ang serye ay nag-post si Bea ng maikling behind-the-scenes video ng kanilang mga taping.

Sa Instagram post ni Bea, nag-post siya ng Reel kung saan makikita siya sa venue ng kanilang taping. Makikita rin ang co-star niyang si Carla na nagpapahinga bago sila mag-take.

Makikita rin sa video na kinukunan nila ang ilang mabibigat na eksena para sa serye, kabilang na ang isang eksena kung saan tila sinasakal si Bea, bago ipakitang tumatakbo na siya palayo.

Meron ding mga parte ng video kung saan binigyan niya ng highlight ang ilang kasama sa serye tulad nina Carla, Rita Daniela, at Jeric Gonzales.

Caption ni Bea sa post, “Sneak peek from our series 'Widows' War' airing very soon on @gmanetwork”

TINGNAN ANG CAST NG 'WIDOW'S WAR' NA DUMALO SA STORY CON SA GALLERY NA ITO:

Samantala, sa isang interview ni Carla sa GMANetwork.com, sinabi niyang mas magiging challenging ang mga eksena na gagawin nila para sa serye.

Aniya, “Expectations ko next tapings… mas mabibigat 'yung mga eksena, mas magiging challenging. Pero okay lang 'yun, normal lang.”

Dagdag ni Carla, “As the story goes, 'yung kuwento ganon din, nagde-develop, magiging darker.”

January nang idaos ang story conference ng serye at nitong Pebrero ay nagsimula na ring mag-taping sina Bea at Carla. Bukod sa kanila, nagsimula na ring mag-taping ang mga kasamahan nilang sina seasoned actresses Jackie Lou Blanco at Timmy Cruz, at Matthew Uy.

Panoorin ang behind the scenes footage ni Bea dito:

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)