
Idinaos ng singer at television host na si Darren Espanto ang kanyang 10th anniversary concert sa Araneta Coliseum sa Quezon City noong June 1.
Iba't ibang celebrities at personalidad ang spotted sa naturang event at kabilang dito ang celebrity doctor na si Vicki Belo.
Sa Instagram, ibinahagi ni Vicki ang video na kinuhanan mula sa concert ni Darren, kung saan mapapanood ang dance performance ng It's Showtime host.
“How did you learn this dance @darrenespanto?” sulat sa kanyang caption.
Ayon pa kay Dra. Vicki, natawa siya sa special mention sa kanya ng Unkabogable Star na si Vice Ganda matapos ang dance performance ni Darren sa stage.
“Pati si Dra. Vicki Belo, Diyos ko. Nung gumanon ka, nagpa-schedule ng ultrasound,” pabirong hirit ng komedyante sa naganap na concert.
Makikita sa naturang video na natawa rin ang asawa ni Vicki na si Hayden Kho.
Sa episode ng It's Showtime ngayong Miyerkules, ipinakita ni Darren ang kanyang “kaldag” dance moves, na ginawa niya sa kanyang concert, sa “Tawag ng Tanghalan” segment.
Samantala, subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.
ALAMIN ANG CAREER JOURNEY NI DARREN ESPANTO SA GALLERY NA ITO.