GMA Logo Ken Chan
Source: akosikenchan/IG
What's Hot

Ken Chan, attracted sa older women?

By Kristian Eric Javier
Published June 6, 2024 4:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Megan Young, Mikael Daez mark first Christmas as parents
Mga pang-noche buena at laruan, inihatid ng GMAKF sa mga nilindol bago magpasko | 24 Oras
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Ken Chan


Ano nga ba ang type ni Ken Chan sa isang babae?

Isa sa mga pinakakinakikiligan ngayon na celebrity love teams ay ang tambalan nina Jillian Ward at Ken Chan sa hit afternoon medical series nila na Abot-Kamay na Pangarap. Pag-amin ng aktor, totoo na mas attracted siya sa older women.

Sa naganap na EyeMo Media and Blogger Launch nitong Miyerkules, June, tinanong si Ken sa question and answer portion ng event, kung totoo ba na mas attracted siya sa older women.

Ang sagot ng aktor, “Yes, it's true. You know, kahit sino naman po, pagdating naman po sa love, kahit sino naman talaga, anong age man 'yan, walang problema sa akin.”

Paliwanag niya, “Hindi ko alam, maybe because mas prefer ko 'yung mas mature sa'kin e, mas matanda sa'kin, because naga-guide niya ako. Kasi gusto ko 'yung parang bine-baby ako e, ganun.”

BALIKAN ANG ILAN SA MGA STUNNING LEADING LADY NI KEN SA GALLERY NA ITO:

Kailan lang ay pinakilig nina Ken at Jillian ang mga netizen sa kanilang sweet yacht photos. Nag-post ang aktor ng kanilang photos together kung saan makikitang nakatitig siya sa aktres.

“Summer's in the air, heaven's in your eyes,” sulat niya sa caption.

Samantala, sa interview naman niya sa Fast Talk with Boy Abunda noong 2023, inamin ni Ken na nami-miss niyang maging “madly in love” sa isang specific na tao, ngunit hindi niya pinangalanan.

“Nakaka-miss ma-in love talaga du'n sa isang tao, sa special someone. Ngayon, nasabi ko na medyo [in love ako] because happy ako sa set, happy ako sa set ng 'Abot-Kamay Na Pangarap,” sabi niya.