
Pagkatapos manumpa bilang presidente ng Senate Spouses Foundation Inc. (SSFI), dumalo ang global fashion and style icon na si Heart Evangelista sa fashion show ng celebrity fashion stylist na si Bang Pineda.
Sa panayam ni Aubrey Carampel sa 24 Oras, sinabi ni Heart na suportado siya ni Chiz na ipagpatuloy ang kaniyang pagdalo sa mga fashion event ngunit aminado rin si Heart na mababawasan ito lalo na't may katungkulan na siya sa Senado ngayon.
"Definitely, kailangan ko magtrabaho. And, I think, 'yun 'yung maganda sa relationship namin ni Chiz. May kailangan siyang gawin, may kailangan rin akong gawin," saad ni Heart.
"He supports me, I support him. And, I like it, so, I will do it."
Naglakad sa fashion show ni Bang na pinamagatang "State of Bang" sa Tower One and Exchange Plaza sa Ayala Triangle, Makati City ang ilang celebrities tulad nina It's Showtime host Vice Ganda at Kapuso actor at Asawa Ng Asawa Ko star Rayver Cruz.
In attendance rin sa fashion show ang real-life couple na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos, Shining Inheritance actress Kyline Alcantara, Running Man Philippines Runner Kokoy de Santos, at Widows' War actor Royce Cabrera.
SAMANTALA, TINGNAN ANG ILANG MATCHING OUTFITS NINA HEART AND CHIZ SA GALLERY SA IBABA