GMA Logo Romnick Sarmenta
What's Hot

Romnick Sarmenta credits German Moreno for having enjoyable teenage years

By Kristian Eric Javier
Published June 11, 2024 1:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Zelenskyy says Russia using Belarus territory to circumvent Ukrainian defenses
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Romnick Sarmenta


Romnick Sarmenta on German Moreno: 'He wanted everyone to feel their age, hindi magmadali sa buhay.'

Aminado ang batikang aktor na si Romnick Sarmenta na naging enjoyable ang kaniyang teenage years at malaki umano ang pasasalamat niya sa variety show host na si German Moreno o Kuya Germs para dito.

Sa Updated with Nelson Canlas podcast, sinabi ni Romnick na iisa ang sagot niya tuwing tinatanong siya, “Ano 'yung kaibihan ng mga teenagers noon at ngayon?”

“We enjoyed being teenagers,” sabi niya.

Sinabi rin ni Romnick na alam niyang sa likod ng isip ni Kuya Germs ay gusto niyang ilayo ang mga young artists niya sa 'That's Entertainment' mula sa masasamang bisyo at “making unnecessary mistakes.”

“He wanted everyone to feel their age, hindi magmadali sa buhay. That's why he decided, 'Gawin kong busy 'tong mga batang 'to,” pagpapatuloy ng aktor.

Kuwento ni Romnick ay nagbabasa sila noon ng mga spiel para sa show, gumagawa ng updated news reports, at nagda-drama sa show na inihalintulad niya sa workshop on air. Pinagpe-perform din sila at dahil meron silang weekly competition, 'pag hindi nila schedule sa 'That's Entertainment,' ay nagre-rehearse sila para paghandaan iyon.

Pag-amin ni Romnick, nakakapagod ang mga ginagawa nila noon pero iyon rin ang nagtanggal ng “unncecessary worry” sa kanila dahil ang kailangan lang nilang intindihin noon ay 'yung mga hinihiling sa kanila.

“Kadalasan, 'yung pinapagawa sa'yo, nakakatulong sa pangangatawan mo, nakakatulong sa pag-iisip mo dahil iniisip mo lang, sayaw, iniisip mo lang, kanta, iniisip mo lang, costume. Hindi ka kailangan mag-isip ng malalim na bagay,” sabi ng aktor.

Dagdag pa niya, “You actually are enjoying things that you should be enjoying at your age.”

Pinansin rin ni Romnick ang ilang batang artista ngayon at sinabing madalas ay nagtataka siya kung ilang taon na ang mga iyon dahil sa maturity ng kanilang roles. Sinabi rin niya ang pangamba na baka isipin ng mga bata, kabilang na ang mga anak niya, na kapag dumating sila sa kaparehong edad ay isipin nilang dapat ay mature na rin sila mag-isip.

“Hindi dapat, you should enjoy growing up, you should enjoy your years, you should enjoy your youth,” sabi niya.

Mensahe pa niya sa mga kabataan na gusto nang pumasok sa adulting life, “Teka muna, enjoy-in mo pa 'yung pagiging teenager mo. I mean, why rush? Bakit ka nagmamadali into adulting life? Pagdating mo sa adulting life, sasabihin mo, 'Tsk, hirap naman nito, hassle naman nito.'”

Pakinggan ang buong interview ni Romnick dito: